Wednesday, February 19, 2014

JINGGOY PLEAD TO BE INVESTIGATED BY THE SENATE ETHICS COMMITTEE INSTEAD OF THE BLUE RIBBON COMMITTEE

ANA: "O, 'di ito libelous hah, sabi ni SP Frank Drilon - (Sens Alan Cayetano and Ralph Recto are looking for a NEUTRAL senator) kase, hinuhusgahan na raw ang tatlong onorabol sa pangunguna ni Junggoy ng Blue Ribbon Committee ni onorabol Gunggongna, 'lamoba'yon?"

LISA: "Oo naman. Pero sana eh tanggapin ng Senado ang rekomendasyon natin na ma-designate na chairman ng ETHICS COMMITTEE si Kgg LITO LAPID, kapalit ng palpak na Komita ni Gunggongna, para humaliling mag-imbestiga re PDAF scam upang mas lalong sumaya at sumakit ang tiyan ng publiko sa nangyayaring komedya sa Senado, o, 'di ba?"

CION: "Yes, yes, yow. Bilang dating sikat na taartits sa papel na Leon Guerrero, si onorabol Tolits eh kilalang NAGBUBUTAS-NG-SILYA sa Senado at ang mahalaga, eh meron siyang SAVOIR-VIVRE (refined-manners or good breeding), 'di tulad ng kapwa taartits ding bara-bara kung mag-ingay, sina Tito Sen, Amazing Kap at si Asiong Salonga Jr., t'yak na kakabagan ka!!!" 

No comments:

Post a Comment