ANA: "Naku eh, pa'no ngayon 'yan? Kung lumantad na si Ruby Tuason na ex-sexytary ni Junggoy para ikanta ang pagkakasangkot ni Junggoy sa PDAF scam, posible kaya na susunod ding lulutang si Ma'm Gigi Reyes na ex-wisart din ni JPE para umawit naman ng La Paloma vs JPE?"
LISA: "Ay, masaya talaga 'tong latest twist na'to re PDAF scam, kase, parang naKIKInita ko, hah, malapit-lapit nang sisilbihan ng arrest warrant ang tatlong onorabol JPE, Bobong Revilla at si Junggoy, o, 'di ba tunay na nakaGAGAlak?"
CION: "Yes, yes, yow. Pero kung TITImbangin ang talagang problema na posibleng umusbong na naman, noh, eh saang kulungan kaya dapat ikalaboso ng sama-sama ang tatlong onorabol? Isailalim sila sa hospital/house arrest, sa Camp Crame detention cell, o igawa sila ng sarili nilang bungalow sa Spratly Island?"
No comments:
Post a Comment