ANA: "Medyo umalma sina deputado Rudy Farinas ng Ilocos Norte at Pidiong Barzaga ng Cavite, kasama ang 2 pang mga deputado ng Lower House re isinusulong na hospital arrest para ke Janet. Sa halip, ayon pa sa 4 na onorabol ng Mababang Kapulungan, dapat na ILAGAK daw sa regular na kulungan si Janet, tulad halimbawa sa Makati city jail, o, 'di ba?"
LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. Kase, isipin mo, kung papayagan si Janet na i-hospital arrest, eh 'di siguradong SABAY-SABAY na magkakasakit sina onorabol Tanda, Amazing Kap at Junggoy kapag sisilbihan na sila ng warrants for their arrests dahil sa kasong plunder na walang piyansa? Siempre, hihirit din silang ma-hospital arrest at t'yak 'di sila tatanggihan ng KORTE porke mga onorabol sila???"
CION: "Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Kase nga, meron nang PRECEDENT na puedeng pagbasehan ng Korte, noh? Tingnan mo, si Ate Glo eh hindi umuusad ang kaso habang naka-hospital arrest. Kaya naman malakas ang loob ng lieyer ni Janet na humiling ng the same privilege as Ate Glo's, kasi nga eh meron ng precedent. So, itong PADRON na'to rin ang sa palagay ko'y pagbabasehan din para sa hospital arrest ng 3 onorabol na senador, peksman!!!"
No comments:
Post a Comment