Wednesday, July 8, 2015

BEDROOM, KITCHEN, A BATHTUB COMPLETES DAYUNYOR'S OFFICE THE HOTEL-LIKE FEEL

ANA: "Tinamaan ng matitinding DAGOK at tiyak na IKALULUGMOK ng BINAYaran dynasty ang patuloy na pagbuyangyang ni Makati acting meyor Kid sa publiko, UNA, re libreng board and lodging sa palasyo-sa-buhangin para sa mga mahihirap kunong IPISyal (meyors) ng 670 sister cities na taga-PROMDI. Tapos, heto na ngayon ang pamatay (TKO) na bigwas ni Kid vs Dayunyor, kase, binuksan sa media (a la Pandora's box) ni Kid ang LUXURIOUS na mayor's office complete with amenities, o, ha!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Pero nilinaw ni meyor Kid sa media na wala umano siyang balak na okupahan ang a la hotel-room na dating opis ni Dayunyor na nasa 21st floor ng city hall. Mas gugustuhin umano ni Kid na ilagay ang kanyang opis sa lobby ng city hall para TRANSPARENT siya sa publiko sa kanyang TARBAHO as acting meyor of Makati. Mula pa kase ke Nognog eh sadyang inilagay ang opis ng meyor sa 21st floor ng city hall bilang isang FORT (kuta)! Pakiramdam kase ng dinastiya BINAYaran eh an'dami nilang kalaban."

CION: " If you still remember, 'di na-penetrate ni Ate Glo ang opis (KUTA) ni dating meyor Nognog no'ng ihain ng OMB ang suspension order nito, 'gaya ng 'di rin na-penetrate ang 1st suspension order ng OMB no'ng March 2015 vs Dayunyor. Para lang nagpapahinga (NAGTATAGO) sa 5-star hotel si Dayunyor dahil kompleto nga sa amenities ang opis nito sa 21st floor. As EBIDENS, bakit 'di buksan sa publiko ang karangyaan ng opis, 'gaya rin no'ng buksan sa public ang Malacanan after EDSA people power, o, 'di ba?"    

No comments:

Post a Comment