ANA: "Sabi ni Nognog habang nangangampanya sa Pangasinan - 'Baka nakakalimutan ni vice mayor Pena na temporary lang siya doon.' - Todong naghihimutok si Nognog, kase, nakikita niyang masigasig na GINIGIBA a la Yolanda ni meyor Kid ang PALASYO ng UNA na itinayo nito sa buhangin para maragdagan (EKE-OUT) ang kanyang pangungulimbat at kapangyarihan sa Makati, o, ha! Biruin mong pawang mga opisyal lang daw pala mula sa 670 sister cities ang tanging nakakagamit ng libre sa palasyo???"
LISA: "Eh, mali yata ang matimatik ni Nognog, noh! Bakit 670 sister cities ang kinasundo (PACT) samantalang meron lamang 144 ang bilang ng ciudad sa buong Pilipinas, 'di ba? Tapos, sabi pa ng naghihimutok na si Nognog na pawang mahihirap lamang daw na taga-PROMDI na sister city ng Makati ang nakagagamit ng LIBRENG board and lodging SUITES sa palasyo ni Nognog? Oke, pa'no mo ikukumpara ang mahirap na meyor ng sister city na libreng tumitira (w/ chix?) sa mahirap na iskuwater ng Mkt, aber???"
CION: "Asus! Ginagawa bang motel ng Mkt sa kumpas ni Nognog ang itinayong palasyo-sa-buhangin? Timing palang GIBAIN ensigida ni meyor Kid ang palasyo-sa-buhangin para 'wag matulad si meyor Kid sa mag-amang Nognog en Dayunyor na kapwa BEDRAGGLED (nakulapulan-ng-burak), o, ha! Sa aking pakiramdam eh IGUGUHO pronto ni meyor Kid ang fetid (MABANTOT) na palasyo-sa-buhangin ng Nognog dynasty bago matapos ang 6 mo suspension ni Dayunyor. Makabalik pa kaya ito as Mkt meyor?"
No comments:
Post a Comment