Monday, July 27, 2015

HAGUPIT NI PNOY SA KANYANG 2 ORAS SONA LUMATAY KAY NOGNOG

ANA: "Grabeng NAYANIG ang buong dinastiya ni Nognog matapos tuligsain sa ika-6 at huling State of the Nation Address (SONA) ni PNoy sa joint session ng Congress kahapon. Ang mga pinawalang TALINGHAGA (allegory) ni PNoy laban sa unang pasaring ni Nognog na PALPAK at MANHID ang PNoy adm eh a la STORM SURGE na bumuelta at niragasa ang buong Nognog dynasty! Bago ang SONA ni PNoy eh nagpa-praise release pa si Nognog na magbibigay din daw siya ng sariling SONA after PNoy's!"

LISA: "Eh, ano namang TEMA kaya ang gagawing SPITS ni Nognog sa kanyang sariling sona (State Of Nognog Alibis) ha? Pa'no pasisinungalingan ni Nognog ang mga naipundar ng PNoy administration? Ayon kase sa SONA ni PNoy eh malaki ang posibilidad na ang Phl eh hahantong bilang isang FIRST WORLD sa malapit na hinaharap dahil sa implementasyon ng kanyang tuwid-na-daan. Nagbigay pa ng kanyang allegory si PNoy - 'lahat ba ng ating naipundar, lahat ng ating pinaghirapan maglalaho dahil sa isang eleksiyon?"

CION: "Ang tingin ko sa Nognog dynasty kahapon sa SONA ni PNoy eh para silang PINITPIT na luya, o, 'di ba? Lalo na no'ng binabanggit ni PNoy sa kanyang speech 'yong proposal ni Nognog na papalitan daw ni Nognog ang Constitution, kung mananalo itong panggulo, para tanggalin ang term limits ng mga elected officials? Gagawin daw itong ONE TO SAWA ni Nognog? Eh, 'di WOW! Sabi pa sa speech ni PNoy 'Naiinsulto ang talino ng Pilipino, ILIPAT MUNA NATIN ANG CHANNEL' Hay, buking si Nognog!"    

No comments:

Post a Comment