Friday, July 31, 2015

THE STRAIGHT & NARROW VS THE CROOKED & CORRUPT

ANA: "O, puede na ngayong magbulay-bulay ng walang alinlangan ang voting population (BOBOtantes at intelihenteng-botantes) upang ikumpara kung sino ang merong dinadalang HILATSA (unravel) ng KABULUKAN kina presidentiables Mar o Nognog? Si Mar (manok ni PNoy) eh para sa DAANG MATUWID, samantala, si Nognog eh para sa DAANG KURAKOT, o, ha! Malinaw na kase sa buong voting polulation ang pagpipilian kung sino sa mga presidentiables ang MALINIS o MADUNGIS, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Pero pinag-ibayo pang lalo ni Nognog ang kanyang pangangampanya sa mga PROMDI kasama ang kanyang clique at mga BINAYarang hakot na ac/dc media pipol! Kaya nga siksik ang mga balita, maging sa internet na umaabot sa buong mundo, ang endorsement ni PNoy ke Mar kahapon. Si Mar ang susuportahan ng LP political machinery for president para ITULOY ang implementasyon ng Tuwid-na-Daan vs UNAno si Nognog at SIKSIK ng pandarambong (13%) ang tinatahak ng dinastiya nito!"

CION: "Oke. Kung ibabase sa political dynasty ang tema ng usapan, bukod sa pandarambong, ang lolo ni Mar na kapangalan nito, eh si President Manuel Roxas. Ang tatay niya eh si Senator Gerardo Roxas. Nagsilbi silang walang BAHID-DUNGIS at 'di ito maituturing na political dynasty, kase, hindi sila sabay-sabay na nanungkulan as elected officials. Kumpara sa BINAYaran CORRUPT dynasty, si VP Nognog, Mkt meyor Dayunyor, TONGreswoman Ube 'tsaka Sen Nang Si eh sabay-sabay na nanunungkulan, see?"    

No comments:

Post a Comment