Tuesday, July 21, 2015

GRACE POE STILL UNSURE ABOUT 2016 PLANS

ANA: "O, kitam? Sa kabila ng mga palipad-hangin ng mga UDYUKERO para IBUYO si Sen Grace na tumakbong independent para presidente at TIYAK daw na mananalo, eh sinopla agad sila ni Grace - 'am still unsure about 2016 plans.' Alam ni Grace na ang popularidad niya as number 1 in survey eh 'di sapat para humikayat na iboboto siya ng INTELLIGENT VOTERS na netizens, kesa mga alagang BOBOtantes ni Nognog nationwide, o, ha! Pero bakit PILIT siyang inuudyukan nina Erap, Tito Sen 'tsaka Sen Osmena?"

LISA: "Ay naku 'ga, 'di lang 'yang 3 binanggit mo ang umaali-aligid ke Grace para himukin siyang kumandidatong president, peksman. Nariyan din ang mga corrupt na politicians/businessmen, tulad ng mga Marcoses, Cojuangcos, Ongpin, etc na handang mag-ambagan ng bilyon-bilyong halaga ng LAUNDERED MONEY for campaign fund para kung sakaling maipanalo nila si Grace, eh 'di tatanawing UTANG-NA-LOOB ito ni Grace sa kanila, 'di ba? PATAY na kase ang pag-asa nila ke Nognog. Hope nila si Grace!"

CION: "I hope na pag-aaksayahan ng panahon ni Grace para matiyaga nitong basahin ang mga komento ng netizens sa internet hinggil sa plano niya for 2016. Makatutulong ito ng malaki upang mapulsuhan niyang maige, at hindi isinusubo lang sa kanya ng mga TRICKY PEOPLE sa paligid niya, ang desisyong kakandidato siya para lamang sa ikauunlad ng Pilipinas, hindi sa udyok ng tricky people. Sabi ni Grace: 'PNoy & me have the best interest in our country in mind in whatever decisions we will make in the coming days'."

No comments:

Post a Comment