Saturday, July 4, 2015

MORE TROUBLE FOR DAYUNYOR

ANA: "Aandap-andap na ang nagbabagang ILUSYON ni Nognog na UNA'y naninigurong susunod daw na panggulo ng Phl, matapos kusang bumaba bilang Mkt meyor si Dayunyor, after tanggihan ng CA ang alok na aregLAW for a TRO ng 2nd suspension order vs Dayunyor ng OMB. Dang'kase, nakaligtaang ILIGPIT ng mga amuyong ng BINAYaran ang kopya ng payroll ng libo-libong mga ghost employees, kabilang ang pangalan ni Eduviges Balolong, na trabahador sa 350-ha Nognog Hacienda sa Rosario, Batangas! Buti nga."

LISA: "Yes, 'di 'yan haka-haka! 'Di kase nagpaligoy-ligoy si acting meyor Kid at agad ibinahagi sa media ang nakalkal nitong EBIDENS, ang payroll ng BINAYaran SLAVES (alipin). 'Lamobang bukod tanging Mkt Gov't na lang ang nagpapasueldo ng gov't employees, real or ghost, gamit ang jurassic system na payroll sa halip na ATM card? So, maliwanag sa record that shows Baloloy's salary was received every payday. Her retirement benefits, terminal leave were also given to her 2 days before Dayunyor stepped down!"

CION: "Ramdam na'to ni Nognog. Nagbabadya na talaga ang INDULTONG sasalpok sa dinastiya niya dahil sa nakalkal na payroll ni meyor Kid, peksman! A la goldmine kase 'to eh, hindi ito tip of the iceberg lamang, see? Pero lumalakas pa rin ang fighting spirit ng kanyang mga spookmen, 'gaya ni Joe SalGAGO, habang meron pang mahuHUTHOT na datung mula ke Nognog para magpahayag ng mga DENIALS. Sabi ni Joe: 'We already expected that they would come out with all types of allegations and stories.' O, ha!!!"    

No comments:

Post a Comment