ANA: "Uy, 'lamobang merong aliGAGAng (upset) konsehala ng Makati ang nagpupuyos (nag-aapoy) ang damdamin, kase, pinupuksang unti-unti (killing-them-softly) ni Mkt acting yorme Kid ang tinatayang 4000 dami ng 'ghost employees' na pinasasahod ng city gov't thru manual payouts in cold cash? Gusto kasing ipairal ensigida ni meyor Kid to pay Mkt employees via ATM, (under electronic payroll system). Sa ganitong paraan eh TIYAK na makikilala ang 4000 MULTO na sumasahod kada 15- 30 in cold cash, o, ha!"
LISA: "Uy, patay kang bata ka! Eh kagyat ngang MATUTUKOY ang mga pangalan ng 'patay' na mga BOBOtantes pero patuloy pang sumasahod kada 15-30 mula sa kaban-ng-bayan ng Mkt gov't, 'di ba? Batay nga sa COA memo: ATMs lower the risk of fund misuse and result in greater convenience, transparency and accountability. Pero ayaw sumunod ang Makati gov't sa modernong sistemang ganito mula pa no'ng hawakan ng BINAYaran dynasty ang RENDA (power) sa Mkt gov't 3 decades ago! BAKIT???"
CION: "Uy, alam ko ang sagot d'yan, peksman! 'Yun kasing 4000 casual employees na tinaguriang 'ghost' eh hindi naman sila talagang multo, noh! Totoong tao ang mga 'yan at rehistradong mga BOBOtantes! Lahat ng mga 'yan (4000 casual employees) eh mga workers, maids, security guards na nagme-maintain ng Hacienda BINAYaran sa Rosario, Batangas na me lawak na 350 hectares, ayon sa dokumentong inilahad ni Mkt ex-VM Estong Mercado sa imbestigasyon ng Senate BRsC at isinumite nito, FINALLY, sa OMB!!!"
No comments:
Post a Comment