Thursday, July 30, 2015

NOGNOG COUNTING ON LUCKY PUNCH IN WELTERWEIGHT 'RUMBLE' VS MAR

ANA: "O, bumulalas na rin ng sariling ALLEGORY (talinghaga) si Nognog na umano'y underdog (paawa epek), kase, binuBULLY umano siya ng LP. So, umaasa na lamang umano si Nognog na tatamaan daw niya ng kanyang LUCKY PUNCH si presidentiable Mar sa kanilang a la welterweight RUMBLE sa 2016 elections. Sabi pa ni Nognog, bilang kanyang plataporma (PAPORMA), eh kailangan ng EXPERIENCE (pandarambong), CAPABILITY (huwag igalang ang batas), at love for the peoples' MONEY, o ha!!!"

LISA: "Pero 'lamobang exaggerated ako sa boksing na pinalulutang ni Nognog na laban nila vs Mar? Kung pagbabasehan kase sa piktyur (pormahan) nilang dalawa, eh parang daliring hintuturo ang sukat ni Mar samantalang daliring KALINGKINGAN naman ang sukat ni Nognog. MISMATCH! 'Yung payanig ni Nognog sa mga nakapaligid sa kanyang BOBOtantes at mga HAKOT na ac/dc media sa Cavite, eh siniguradong patataubin daw niya si Mar sa kanilang rumble. Kitang-kita aniya 'yan sa BINAYarang SURVEY!"

CION: "Nahihiwatigan kong ramdam na ni Nognog na siya eh isa nang KSP (kulang-sa-pansin) ng kanyang BOBOtantes. Ito'y mula no'ng maCUT-OFF ang kanyang rasyong biyaya para sa kanila nationwide. Kaya naman pulos palipad-hangin na lamang ang ginagawa nito sa tulong ng mga kahakot-hakot na ac/dc media pipol, at sila naman ngayon ang sagana sa biyaya mula ke Nognog, see? Hinihintay ko 'yung pangako ni Nognog na gagawa rin siya ng sariling SONA (State Of Nognog Alibis) after PNoy's, eh nada, wala, anggapo!!!"    

No comments:

Post a Comment