ANA: "Kung tutuusin eh 'sing-hawig ang away-politika sa Makati nina Nognog vs VM Estong Mercado sa namumuro ngayong LAGABLAB ng away-politika rin sa San Juan nina Erap/kabit na si yorme Guia vs VM Kiko/nak-a ni Rep Roni Zamora. Malinaw ang kinahinatnan ng away-politika sa Mkt na HUMANTONG sa pagkakaBUYANGYANG sa publiko ng mga PANDARAMBONG ng BINAYaran dynasty, o, 'di ba? Sa tagal ng kampihan sa politika ni Erap at Roni, kabisado siempre ni Roni ang likaw ng bituka ni Erap, o, ha!"
LISA: "Ay, sinabi mo. Talagang BERI KOMBINSING 'yang research mo 'ga. Batay sa history, sa halip na si Estong SANA ang hahaliling meyor ke Nognog noon, aba'y INILAGLAG ni Nognog si Estong! Kase nga eh si Mkt councilor Dayunyor ang pinatakbo at nanalo nga itong Makati meyor. Ganyang-ganyan ang script na sinusundan ngayon ng Erap dynasty vs San Juan VM Kiko. Sinulat ang script ni Junggoy sa loob ng kanyang kulungan sa direksiyon siempre ni Erap. What? Wawalisin sa puesto ang mag-amang Zamora!"
CION: "How, how d-carabao? Sana eh kasihan ni LORD na tuluyan na ngang magbangga ang 2 dinastiya nina Erap at Roni, para magkaALAM-ALAM na, o, ha! Kung magtutuloy-tuloy kase ang galit nitong si VM Kiko vs yorme Guia, eh t'yak na t'yak - mabubuking din ang PANDARAMBONG vs Erap clan. Kung tetestigo rin kase sa ilalim ng WPP si VM Kiko, a la VM Mercado, walang dudang mabubuyangyang ang dati nang kaso ng jueteng gate ni Erap na tinatayang 'singLAKI rin ng mga nakurakot ni Nognog? O, ha!"
No comments:
Post a Comment