Wednesday, December 30, 2015

GRACIA CAMP HIT OVER INHIBITION BID

ANA: "Tampulan ngayon ng batikos ang CONVOLUTED (mahirap unawain) na inhibition bid ni Gracia para pigilang lumahok sina SC associate justices Antonio Carpio, Teresita Leonardo-de Castro at Arturo Brion from reviewing the rulings of the Comelec canceling Gracia's COC for 2016 presidential election! Dang'kase, yung 3 justices daw eh pawa silang SET mambers na bumotong DQ candidate si Gracia dahil napatunayan siyang hindi natural-born citizen, 'tsaka kulang sa 10-taon ang kanyang residency sa Phl, see?"

LISA: "Ay, hindi lang inhibition para sa 3 justices ang prayer ni Gracia, noh! Gusto rin niya ang CONSOLIDATION (pag-isahin) ang pagdinig sa SC ng mga kasong nagmula sa SET at sa Comelec. It's UNFOUNDED! Ang SET at Comelec kase eh magka-iba pero kapwa sila INDEPENDENT BODIES, therefore, cannot be heard, considered and resolved as one by the SC! Kaya 'yung palusot ng aboGAGO ni Gracia para mag-inhibit ang 3 SC justices eh walang legal basis. 'Di kaya GINAGAPANG ang SC? Ows!"

CION: "Para sa'ken 'day, ang sigasig ng kampo ni Gracia para sagkaan ang 2 DQ cases laban sa kanya sa SC para sa reversal are NIL to NONE! Mabuti pang AMININ na ni Gracia sa Korte na kapatid niya sa ama si Bongget 'tsaka kapatid din niya sa ina si Sheryl Cruz para mawala na ang problema niya. Kung ang desisyon kase ng SC eh hindi siya natural-born citizen, ibig sabihin eh hindi siya puedeng humawak ng ano mang posisyon sa Phl Gov't, elected man o appointed. So, tatanggalin siya bilang elected senator? Aray!"    

Tuesday, December 29, 2015

TROs FILL GRACIA POE-LLAMANZARES WITH HOPE

ANA: "Dahil sa pag-isyu ng SC ng 2 TRO pabor ke Gracia Poe-Llamanzares, eh pumaimbulog ang pag-asa ni Gracia na makakamit din niya ang rurok ng tagumpay bilang kandidatong prisidinti? Sabi ni Gracia - '..the truth and the voice of the people shall prevail' o, ha! O, sige nga, himayin natin 'yung katotohanang lagi nang ipinangangalandakan ni Gracia. Bakit apelyidong POE ang ginagamit ni Gracia sa halip na Llamanzares na totoong apelyido ng kanyang 'markanong asawa't mga anak nila, 'di ba? Ano ang ligalidad nito sa batas, ha?"

LISA: "Ay, natumbok mo ang katotohanan daw na laging sinasambit ni Gracia sa mga interviews ng media sa kanya, eh, KABALIKTARAN pala, see? Si Gracia, ayon mismo sa kanya, eh pinipilit o pinapalipit na siya'y natural-born Filipino, batay daw sa International Law at hindi sa Phl Constitution, o, ha! Sa palagay ko eh LACK OF PROPER BASIS ang argumentong ito ni Gracia at sadyang ipinupublika sa electorate, partikular sa mga BOBOtantes, para lalong tumaas ang kanyang rating? At para ke Gracia, sinungaling ang Comelec!?"

CION: "Yes, yes yeow! ADEPT (dalubhasa) lang talagang mag-CONTRIVE (umimbento) ng argumento ang abogado ni Gracia na si Garcia para magsiwalat sa publiko ng PAGBALUKTOT sa batas pabor siempre ke Gracia, o, 'di ba? Sukdulan na ang pamBOBOla sa publiko ng Gracia camp at sinasambit pang SAMPALATAYA rin umano sila na sila'y kakatigan ng SC, base sa argumento nilang HONEST MISTAKE! Kung bubusisiing maige, eh parang nagkaSUHULAN na sa SC para PABORAN si Gracia???"  

Monday, December 28, 2015

GRACIA WINS T R O FROM SC

ANA: "Matindi ang SQUAWK (malakas na pag-angal) mula sa pro n con ng TRO na ipinagkaloob ng SC na pumapabor ke Gracia, o, ha! Para bagang tugtog ng orkestrang sintunado't nakaririndi sa tenga ang mga SARDONIC (mapangutya) na patutsadahan mula sa magkabilang panig ng pro n con sa kaso ni Gracia dito sa internet, see? Ang JURISPRUDENCE (the science of law) kase na ipinaglalaban ng pitpitan-ng-yagbols ng mga pro-Gracia eh VOX POPULI (paawa epek sa masa) 'tsaka HONEST MISTAKE. Susmaryopes!"

LISA: Uh-unga 'ga. Eh, WALA naman sa Phl Consti ang legality ng vox populi at honest mistake bilang pang-kontra sa DQ case ni Gracia. Una, napatunayan ng Comelec na kulang nga sa 10-taon ang kanyang residensiya sa bansa at, ikalawa, napatunayan din ng Comelec na hindi siya natural-born citizen sa Phl. Ang pinagbasehan kase ng Comelec En Banc sa kanilang desisyong i-DQ si Gracia eh ang NOTARIZED COC nito na unang isinumite at pirmado mismo ni Gracia sa Comelec bilang isang kandidato sa pagka-presidente."

CION: "Oke, batay sa istorya ng buhay ni Gracia eh iniwan siya sa simbahan ng Iloilo makalipas na siya'y  isilang no'ng 1968 ng hindi nakikilalang ina. So, dahil sa kanyang pagiging FOUNDLING (itinapong-sanggol), si Gracia eh PRESUMED (sinapantaha) na isang NATURAL-BORN citizen kuno ng Phl. Tapos, napatunayan din ng Comelec na kulang sa 10-taong residensiya ni Gracia sa Phl, kung kaya siya eh DQ'd ng Comelec, pero ikinatwiran niyang HONEST MISTAKE lang daw niya 'yon, at recognized naman daw ng international law! Nevertheless, ipinagbubunyi ang TRO ng mga BOBOtantes (bromide) ng Gracia camp."      

Thursday, December 24, 2015

IN TIGHT RACE, LP LIKES CHANCES OF MAR & LENI

ANA: "Habang papalapit ang January 2016 scheduled printing of ballots para sa election by the Comelec eh ramdam din ang OMINOUS (masamang-banta) ng DQ laban kina presidentiables Gracia at Duteteng upang 'di isama sa balota ang kanilang pangalan, see? Hinggil naman sa kasong pandarambong sa SB ng UNCONTRITE (walang-pagsisisi) na si Nognog, eh, posibleng ilalagak din siya sa kalaboso bago sumapit ang May 2016 elections! So, pa'no pa makalalahok si Nognog sa debate to be sponsored by the Comelec?"

LISA: "Kaya nga ang plataporma-de-gobierno KUNO nila'y pangako ng pagbabago (start from ZERO again) sa pamamagitan ng all sound and fury signifying NOTHING (walang-katuturang ngawa) ang laging banat nina Gracia at Duteteng vs PNoy Gov't! Kapwa ipinangangalandakan din ng 2 ang resulta ng survey na kinumisyon nilang False Acia, at ipinakikitang KULELAT si Mar, o, ha! Ang ke Mar at Leni kase eh ang DAANG MATUWID na plataporma, meaning CONTINUITY of what PNoy have built so far! Intiende?"

CION: "Oke, isa-isahin natin ang mga naumpisahang ginawa ng DAANG MATUWID ng PNoy Gov't. Ito ang ipagpapatuloy ng Mar-Leni tandem sakaling sila ang hahalili bilang pangulo at pangalawang-pangulo ng Phl. Una, pinakulong ng PNoy Adm ang dating pangulo na si Ate Glo dahil sa pandarambong. Next, pinakulong sina senadores Tanda, Junggoy at Bobong Revilla dahil din sa pandarambong. Pero nakapag-piyansa si Tanda sa tulong ng 8 SC aso justiis! Sa Mar-Leni Adm, asahang ikukulong din si kook Nognog!"

Wednesday, December 23, 2015

DISQUALIFY DUTETENG, UP STUDENT ASKS COMELEC

ANA: "Hay, aandap-andap na rin ang pag-asa ni Duteteng, 'gaya ni Gracia, para matuloy pa ang kanilang pagtakbo sa pagka-pangulo dahil sa kapwa DISPALINGHADO umanong nilalaman ng kanilang COCs sa Comelec! So, sinampahan sila kapwa vs sangkaterbang Petitions for their DQ, o, ha! Kase nga, ultimong mga estudyante, eh naintindihan ang isinasaad ng Phl Consti na pilit BINABALUKTOT nina Duteteng at Gracia para lang ma-qualify sila sa kanilang kandidatura para prisidinti. Eh pa'no kung manalo, DISASTER!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Ang isyu vs Duteteng eh wala raw basehan, ayon sa Petition ng isang UP student. Eh kase, 'yung COC ni Duteteng as a substitute candidate eh FOR PRESIDENT, samantalang candidate for Pasay city mayor naman ang nai-file na COC ni Martin Dino! Kahit nga elementary student eh alam ang pagkakaiba ng posisyon ng president at mayor, see? Kapwa superficial (MABABAW) ang katwiran nina Duteteng at Gracia para sagkaan ang kanilang DQ by the Comelec. REPUGNANT (kasuklam-suklam)!"

CION: "Ay, sinabi mo! 'Gaya ni Nognog, si Duteteng at si Gracia eh patuloy nilang binobola para DAZZLE (silawin) ang class C, D & E voters sa pamamagitang ng kanilang mga palipad-hangin. Sabi ni Nognog kung siya ang mananalo - one-to-sawa. Sabi naman ni Duteteng kung siya ang mananalo - lulusawin (dissolve) niya ang Congress (the House and the Senate), samantalang si Gracia eh IGINIGIIT na isa umano siyang natural-born citizen. Bukod-tangi sina Mar, Brenda at Amba ang presidentiables na NO CASE, o, 'di ba?"          

Tuesday, December 22, 2015

COMELEC EN BANC AFFIRMS GRACIA'S DISQUALIFICATION

ANA:"O,kitam? Maliwanag na umiral ang BATAS batay sa boto ng Comelec para ma-DQ'd si Gracia sa 2 kaso laban sa kanya. Napatunayan ng Comelec En Banc na short siya sa 10 yrs residency 'tsaka 'di rin siya natural-born citizen, in violation of the Consti, upang qualified siyang kumandidatong presidente ng Phl, o, 'di ba? Ang masaklap pa nito eh nanganganib din na maalis si Gracia bilang senador dahil isa lamang pala siyang NATURALIZED PILIPINO. Bawal kase ang mga naturalized citizen para maging elected Gov't officials!"

LISA: "Ang napansin ko lang 'ga, eh nagsalimbayan ang malalaking balita, una, controversial ang pagkaka-panalo ni Pia Wurtzbach bilang Miss Universe, eh kase, si Miss Colombia ang unang naiproklama, MALI! At ang huli nga'y muling bumandera sa FALSE ACIA survey si Nognog, see! Magkano kaya? So, matinding BELLIGERENT (gera-patani) na naman ang mga Gracia spin-docs vs bloggers re DQ isyu porke dapat daw eh vox populi ang pairalin? Ibig sabihin, a la people power sa halip na BATAS ang mananaig? OMG!"

CION: "Ang class A & B voters eh alam kong naintindihan nila ang isinasaad ng Phl Consti, maliban sa mga SULSULTANTS (bugaw) ng tambalang Gracia at TsisMOSO. 'Gaya ni Bos Danding, ang mag-asawang angkol Pip at Anti-Ting Garampingat Ko Huang Koy, 'tsaka si businessman Ongpin eh handa silang gumastos ng bilyon-bilyon para IPANALO si Gracia, peksman! Lahat sila'y WHEREWITHAL (merong kakayahan gapangin) ang 8 SC aso justiis na nagpalaya ke Tanda at BULUNGAN para baliktarin ang desisyon ng Comelec? Ah, magkakaro'n ng people power vs SC, t'yak 'yon!!!"          

Friday, December 18, 2015

PNOY DECLARES STATE OF NATIONAL CALAMITY

ANA: "O, hayan 'ga. ANTICIPATED na ang masamang balakin ng mga pulpolitiko na gamitin sa kanilang pamumulitika, a la super-tryphoon Yolanda, para ISISI sa PNoy Gov't ang almost P1 Billion damage to agriculture and infrastructure, kasama ang 23 pang biktimang namatay sa harabas ng bagyong NONA sa buong Phl. As per NDRRMC recommendation, kagyat na dineklara ni PNoy, ang Proclamation Number 1186, ang STATE OF NATIONAL CALAMITY. Ibig sabihin, releasing of calamity funds nationwide!!!"

LISA: "Eh sino-sino ba kaseng mga presidentiables ang nangangailangan ng DAHILAN para ibaling sa ibang isyu ang mga kinasasangkutan DQ cases na nagdudulot sa BALAG-NG-ALANGANIN para lahat sila'y ma-DQ ng SC, si Nognog? si Gracia? at si Duteteng? Eh, kung magkagayon, sino pa ang makakatunggali kaya ni Mar sa pagka pangulo sa nakatakdang 2016 presidential election, ha? Si Brenda? Si Amba? Sina Brenda at Amba lang kase, 'gaya ni Mar, ang WALANG KASO ng DQ na kinakaharap sa Comelec! See?"

CION: "Oke, mabalik ako sa pahayag ni Ana. The declaration of State of National Calamity by PNoy would hasten the rescue, recovery, relief and rehabilitation efforts, as well as control the prices of basic goods and commodities. Bukod kase sa Local Gov'ts eh katuwang din ng NDRRMC ang AFP sa pagpapatupad ng Proc # 1186. So, maliwanag na IMBENTO lamang ng sino mang presidentiable ang gagawa ng GIMIK a la Yolanda tragedy at ikumpara ito sa typhoon Nona para sa pansariling pogi points!"

Thursday, December 17, 2015

IT'S GO FOR DUTETENG RUN, SIMPLY A MINISTERIAL FUNCTION OF COMELEC

ANA: "Hindi ba parang sinasadya ng Comelec na magpalutang sa mga class D & E voters ng CONVOLUTED (mahirap unawain) na desisyong tila baga pumapabor ke Duteteng? Tingnan mo, sabi ng Comelec eh '.. acknowledge and accept Duterte's COC simply a ministerial function of Comelec en banc.' Pero me pasubali si Comelec chair Andy Bautista na ipagpapatuloy pa rin umano ang - 'DQ filed against Duterte pending in the 1st Div would still be resolved as quasi-judicial function.' Hay, I can't comprehend!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Talaga yatang sadyang ginagawa ng Comelec ang magpalutang ng kontra-kontrang pahayag, para PULSUHAN ang publiko, partikular ang mga GULLIBLE (uto-uto) voters? Sinabi mismo ni Duteteng na mula ngayon, eh hindi na raw niya hahamunin para magsampalan, magsuntukan at magbarilan sila ni Mar! Bagkos eh, nangako itong kikilos na raw siyang maginoong PRESIDENTIABLE, porke aprobado na KUNO ng Comelec ang kanyang COC? 'Di na siya mag-uugaling maton, babaero at mamamatay-tao?"

CION: "Fine! Mabuting hintayin na lamang ng publiko ang desisyon ng SC re DQ cases laban kina Gracia at Duteteng, noh! Kanya-kanyang imbento na kase ng magkabilang kampo para LABUSAWIN ang isinasaad ng Consti para ma-qualify sa kanilang kandidatura bilang pangulo ng Phl, o, ha! Sabi ng kampo ni Duteteng eh siya raw ang number one sa SWS survey. Kampo mismo niya ang nagpa-komisyon! Eh MAGKANO? Samantala, ang kampo naman ni Gracia eh inakong MALI ang nailagay na length of residency niya sa Phl!"

Tuesday, December 15, 2015

PDI TURNING 30

ANA: "Me gusto akong idagdag sa 'wento ni PDI columnist Michael Tan. Ang PDI eh itinatag ni Betty Go-Belmonte, kasosyo niya si Eugenia Apostol. Si Luis Beltran ang unang Editor-in-Chief ng PDI na iniimprenta sa Port Area, ang printing and publishing office ng STAR Group of Companies at pagmamay-ari ng pamilya Go. Hindi naglaon eh itinatag din ni Betty ang tabloid na Ang Pilipino Ngayon (APN), now, Pilipino Star Ngayon (PSN), at ang 1st Editor-in-Chief nito'y si Joe Buhain. Hindi kasosyo ni Betty si Eugenia sa APN."

LISA: "Me tama ka r'yan 'ga. Pero ano kaya ang dahilan bakit naghiwalay ang landas (NEGOSYO) nina Betty at Eugenia? Kase, biglang humiwalay si Eugenia ke Betty 'tsaka inilipat ng una sa Makati ang printing and publishing OPIS ng PDI mula noon. So, nagtatag uli ng panibagong broadsheet si Betty at ipinanganak ang The Philippine Star. Si Luis Beltran pa rin ang editor-in-chief. Ang kulay dilaw at istilong pang-tabloid ni Luis na inilalapat nito sa front page ng Phil Star ang kagyat na nagpataas sa sirkulasyon ng braodsheet, see?"

CION: "Yes, yes yeow! Sino bang source niyang 'wento n'yo, ha? Kase, tila naISKUPAN n'yo si Michael Tan, 'di ba? Ang alam ko'y waswit ni House Speaker Sonny Belmonte at nanay ni QC vice mayor Belmonte si Tita Betty, o, ha! 'Tsaka, hindi ba ang BETTY GO-BELMONTE Street sa Cubao, QC eh ipinangalan ng QC Gov't in memory of Betty Go-Belmonte? Ang mga LRT passengers na biyaheng Rosario-Recto eh araw-araw naririnig ang pangalan ni Tita Betty kapag sumasapit sa Betty Go-Belmonte LTR Station, 'di ba?"

Monday, December 14, 2015

MAR, DUTETENG ENGAGE IN 'SAMPALAN' POLITICS

ANA: "Oy 'ga, pakinggan mo ang tula ko, ha! Sampalin mo ako; Sampalin din kita; Magsampalan tayo! O, oke ba? Medyo napikon na kase si Mar sa mga patutsada ni Duteteng. Aba eh, a la babaeng-puta na nagtsismis si Duteteng sa Davao na hindi umano nagtapos si Mar sa Wharton? So, he challenged Mar to produce evidence he did finish a 4-year degree from Wharton! Kung nag-research lang sana ONLINE si Duteteng, eh 'di sana siya mapaghihinalaang isang certified BROMIDE (ungas) at SINUNGALING! See?"

LISA: "Sabi nga ni Mar, CALL! - 'I will show it to you. In fact, I will write Wharton today myself to produce official records, in case he still does not want to believe it.' - Akala kase ni Duteteng eh pipitsugin lang si Mar 'gaya ng mga sinasampal niyang kriminal kuno sa Davao City na hindi makalaban sa kanya dahil napaliligiran siya ng kanyang DDS, 'di ba? Para sa'ken eh utak TALANGKA si Duteteng, bukod pa sa isa rin 'tong DUWAG, peksman! Ipinagmamalaki pa niyang isa siyang BABAERO at MAMAMATAY-TAO!"

CION: O, 'yang puso mo 'day, 'wag kang hi-blood noh! Kung iisipin mo kase, si Duteteng eh nagpaparamdam lang ng kanyang OMINOUS (masamang-banta) para labusawin ang kampanya ni Mar kung sakaling ma-DQ sila ni Gracia ng Comelec. Maliwanag kasing kapwa ayaw ni Duteteng at Gracia na maipagpatuloy ni Mar at ni Leni, sakaling mananalo sila sa eleksiyon, ang programa-de-gobierno ni PNoy - ang Daang Matuwid - hanggang 2022 at posibleng ma-extend pa hanggang 2028 ke future president Leni?"          

Sunday, December 13, 2015

COMELEC TO DEBATE GRACIA, DUTETENG PRESIDENTIAL BIDS

ANA: " Hayan, pagdedebatehan na ang DQ cases sa Comelec ngayong araw, Dec 14, alas-10:00 ng umaga vs Gracia at Duteteng, kung isasama o hindi ang kanilang pangalan sa pag-iimprenta ng OFFICIAL BALLOT para sa kandidatong presidente, o, ha! Pero ngayon pa lang eh marami nang spin docs sa Internet ang GIBBERISH (ngumangawa) mula sa kampo ni Gracia at ni Duteteng laban sa AGENDA ng Comelec ngayong araw! Kung saka-sakali kase, sina Mar, Brenda at Amba na lang ang maglalaban-laban, o, 'di ba?"

LISA: "Objection! Isasama pa rin siempre ang pangalan ni Nognog sa pag-imprenta ng Comelec ng Official Ballots para kandidatong presidente noh! Kahit pa kase ipakukulong ng SandiganBayan si Nognog, por eksampol, dahil sa kanyang PANDARAMBONG bago sumapit ang May 2016 elections, eh walang ligal na basehan ang Comelec para 'di isama sa balota ang pangalan ni Nognog. Kung natatandaan mo pa, 'ga, si Sen Trillanes eh nanalong senador no'ng 2007 habang nakapiit dahil naman sa kasong coup d'etat, 'di ba?"

CION: "Me tama ka r'yan,'day. Pero 'lamobang tila NAHIMASMASAN na ang mga alagang BROMIDE (bobotantes) ni Nognog? Kase, naintindihan na nila ngayon ang katotohanan ng imbestigasyong isinasagawa ng Senado sa salang PANDARAMBONG vs Nognog, pero ni minsa'y HINDI sumipot si Nognog! UNA, CONVOLUTED (mahirap unawain) ang palusot ng kanyang mga aboGAGOs (sina aTONGni Cerbeza at Kitsoy), kase, IMMUNE (hindi puede) raw na idemanda si Nognog bilang impeachable officer? OMG!!!"      

Friday, December 11, 2015

WE NEED FACTS, NOT WILD WEST STORIES - MARENG WINNIE MONSOD

ANA: "Talagang PROSPECTIVE (umaasa) pa ring hindi madi-DQ si Gracia sa kanyang kandidatura for prexy ng SC, gano'n din si Duteteng na umaasang papayagan din siyang mag-file ng kanyang COC for president sa Comelec thru substitution in place of candidate & fraternity brother Amba Seneres? Taliwas sa nakikita kong reaksiyon nina Gracia at Duteteng, sila'y parehong desperado na, 'di ba? Sabi nga ni Grace, re DQ decision (2-1) na iginawad laban sa kanya ng Comelec 1st Div, eh hindi pa naman daw siya knock-out!!!"

LISA: "Bakit, sino ba ang kaBOKSING ni Gracia, si Money Pakyu? Samantala, nagpapakita rin ng kanyang pagka-MATON si Duteteng sa kanyang sorties sa mga prabins a la Maks Al Barado, see? Pinapipila ang mga matrona 'tsaka pinagsisiil sila ng halik ni Duteteng sa harap ng kamera! Hay, juice ko pong mahabagin, BONKERS! Anong klaseng pangangampanya ba ang pinaggagagawa ni Gracia at ni Duteteng? Sa halip na SEDATE (mahinahon) sila sa pagpapaliwanag, eh kapwa sila BELLIGERENT (nang-aaway)! Ano ba'yan!!"

CION: "Batay nga sa research (DOKUMENTADO) ni Mareng Winnie Monsod re Livable Cities Design Challenge, ang Iloilo City ang nanalo sa WORLD MAYOR PRICE for 2015, sa panunungkulan ni Iloilo City mayor Jed Mabilog. 2nd place ang Legaspi City at 3rd place naman ang Cebu City. Ang World Mayor Price eh ginaganap kada taon at kasali lahat na pangunahing lungsod sa buong mundo! 'Yung ipinagyayabang ni Duteteng na tahimik umano ang Davao city porke pinatahimik na niya ang mga krininal, BAMBOOZLE!"    

Thursday, December 10, 2015

NOGNOG AN EXPERT ON GRAFT, CORRUPTION - MAR

ANA: "Talagang si Nognog eh ADEPT (dalubhasa) na mag-BAMBOOZLE (manlinlang) ng estudyante at bigyan sila ng different meaning ng salitang GRAFT at CORRUPTION. Ayon ke Nognog, ang salitang graft eh (abusive use of power) at ang salitang corruption eh (mishandling money). Sabagay eh, halos pareho (NUANCE) lang naman talaga ang meaning ng 2 salita, kaya nga binatikos ni Mar ang panlilinlang na'to ni Nognog sa mga students at sinabi ni Mar, 'plundering the people's money was a sin against God.' Uh-unga!"

LISA: "Ako, alam ko'ng ibig sabihin ng graft 'tsaka ng corruption. GRAFT is the acquisition of money, power, etc., by dishonest or unfair means, especially by taking advantage of a position of trust. Samantala, CORRUPTION is dishonesty, especially bribery. 'Yun kasing imbentong word meaning ni Nognog eh, abusive use of power kuno ang ipinatutupad ng PNoy Adm, 'tsaka raw mishandling money, kase TINITIPID daw ng PNoy Adm ang pondo ng gov't para me gagamiting PANTUSTOS sa candidacy ni Mar? Omigad!!"

CION: "Meron akong ispekulasyon, 'day. Kung halimbawang kapwa ma-DQ sina Gracia at Duteteng ng SC, so ang puspusang maglalaban sa pagka-pangulo eh sina Mar at Nognog lamang. Kase, sina Brenda at Amba eh hindi nararamdaman ng voters ang kanilang kandidatura, 'di ba? So, sa tingin ke eh magkakaroon, sa pagkakataong ito, ng MAJORITY VOTE (50% plus 1) ang tunggaliang Mar vs Nognog? Tingnan mo, ang makinarya ng LP eh kumpleto ang pondo. Samantala, ang pondong cash ng UNA, madi-demonitized??"    

Tuesday, December 8, 2015

SC ASO JUSTIIS MENDOZA & REYES JOIN DUTETENG BANDWAGON

ANA: "Bilib ako sa tapang ni PDI reporter Fe Zamora, kase, meron siyang WHEREWITHAL (kakayahan) para ibulgar ang pakikipag-SABWATAN ng 2 SC aso justiis para PAATRASIN, pabor ke presidentiable Duteteng, sa ngalan ng kanilang fraternity, Lex Talionis, of San Beda College of Law graduates? Sa kanilang exclusive meeting, ang ka-brod nilang si presidentiable Amba Seneres eh kinukumbinsi ng 2 SC aso justiis na magparaya sa pamamagitan ng pagbawi sa kanyang COC sa Comelec para i-SUBSTITUTE ni Duteteng?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Pati nga raw si ex-Comelec chair Sixto Brillantes eh naro'n din sa meeting bilang dating propesor daw ng frat, see? So, maliwanag na ang agenda ng meeting eh para sila eh mag-CONTRIVE (umimbento) ng LEGAL-FICTION para 'wag ma-DQ ang ipa-file na COC ni Duteteng as a substitute ng earlier filed COC of Amba Seneres! Kaya masigasig na pina OH-OH-WRONG (uurong) ng Lex Talionis fraternity si Amba, eh kaso, AYAW pumayag ni Amba sa pakiusap ng kanyang mga ka-brod sa fraternity."

CION: "Me tama ka r'yan 'day! Sabi ni Amba eh PROLIFE siya, samantalang si Duteteng eh PRODEATH. Ibig sabihin eh PERVERSE (salungat) ang kanilang plataporma-de-gobierno na ikinakampanya, o, 'di ba? Sabi nga ni ex-DOJ Sec Leila de Lima, law graduate din ng SBC, - 'Members of the judiciary cannot engage in any partisan activity!' - Kung tama sa pagkakatanda ko eh kasama 'tong 2 SC aso justiis sa 8 justiis na umayon sa PUNIETA (ponencia) ni Lokong Beermanen para makalabas sa kalaboso si Tanda, o, 'di ba?"    

Monday, December 7, 2015

DON'T BLAME PNOY FOR GRACIA'S WOES - PALACE

ANA: "Umarangkada na naman ang dalubhasang BLABBER na si TsisMOSO at deretsahang inakusahan si PNoy at LP na umano'y nasa likod ng sangkaterbang DQ cases na isinampa sa Comelec vs Gracia? Ang imbentong LINLANG ni TsisMOSO, bilang abogado, eh, to use the truth to DENY THE TRUTH pabor ke Gracia. For all Gracia's cleverness, for all her ruthlessness, Gracia is only a FOUNDLING (foundlying) to be manipulated by TsisMOSO! Kabisado kase ni TsisMOSO ang buton na pipindutin para tumalima si Gracia!"

LISA: "Naku, disaster! Ibig mo bang sabihin, 'ga, eh pinipindot lang na a la ROBOT si Gracia para sumunod sa UTOS ng kanyang mga SULSULTANT na gumagastos para sa kanyang candidacy? Omigad, horrible!!! Bukod ke TsisMOSO, eh sino pa sa akala mo ang sulsultant na nasa likod ng kandidatura ni Gracia na handang TUMAYA ng bilyong-piso (CASH only, no check) para siya ipanalo sa pagka-presidente ng Phl, ha? Si Bos Danding? si Ongpin? Por eksampol manalo si Gracia, sulsultant ba ang tagaPINDOT ni Gracia?"

CION: "Nakakata-CUTE ka namang mag-SPECULATE, 'day, pero ipanatag mo ang sarili mo. 'Lamobang DEMONETIZED na sa January 1, 2016 ang mahigit 65 BILLION halaga ng perang nasa sirkulasyon sa buong Phl na inisyu 30 years ago? Kelangang ipalit sa alin mang banko ang mga NAKATAGONG lumang bills ng kuwarta bago pa ito mawalan ng bisa a la kenkoy-money, 3 linggo mula ngayon, see? Traceable kase kung tseke ang gagamiting panggastos sa kampanya ni Gracia, o, 'di ba? Problemang MALAKE!!!"  

Sunday, December 6, 2015

NOGNOG CAMP PROTESTS ASSET SEIZURE DURING ELECTION PERIOD

ANA:"Asus, sumatsat na namang a la bonker (BALIW) 'tong si aTONGni Rica Kitsoy re AMLC filing of a petition for civil forfeiture on Nov 12 vs Nognog, Dayunyor & 62 others, o, ha! Sabi ni bonker Rica eh NO BASIS daw ang aksiyon ng AMLC para sa forfeiture ng 242 bank accounts ng 62 dummies ni Nognog na naglalaman ng multi-billion pesos. Ang palusot ni bonker Rica eh iisa lang naman daw ang bank account ni Nognog ng kokonting deposito na P1.7 M, pero bawal i-forfeit, batay daw sa isinasaad ng RA # 1379???"

LISA: "Well, me tama talaga si bonker Rica hinggil sa isinasaad ng RA 1379 - 'prohibits civil forfeiture vs public officials within one (1) year before a general election or within three (3) months before a special election.' So, kung ibabawas mo 'yung isang bank account na nakapangalan ke Nognog, bilang isang public official, mula sa kabuuang 242 numbers of bank accounts, eh 'di, meron pang 241 na bank accounts ang nakapangalan sa mga DUMMIES ni Nognog! Maliwanag, ang dummies eh hindi sakop ng RA 1379! See?"

CION: "Kung dati-rati eh merong kakayahang mang-UTO ng BOBOtantes 'tong si bonker Rica para salungatin ang batas sa pamamagitan ng PRETEXT (false reason concealing the real reason) at aregLAW, eh halatang WA EPEK na ngayon 'to. Kase, hindi na umaandar ang political machinery ni Nognog porke hindi na niya ito nakakargahan ng LANGIS (kilo-ng-bigas, sardinas, P500 cash at viagra). Samantala, naiwan naman ang buong political machinary ng BINAYaran dynasty sa Makati ke Mkt meyor Kid Pena. Suerte!"    

Friday, December 4, 2015

COMELEC HAS THE AUTHORITY WHEN IT DQ GRACIA - ATTY ROMULO MACALINTAL

ANA: "Bilib talaga ako sa sigasig ng SULSULTANTS ni Gracia para labusawin ang Consti upang hindi siya ma-DQ sa kanyang presidential bid, o, ha! Aba'y nakisawsaw na rin si ex-Comelec chair Sixto Brillantes, re Gracia's DQ by the Comelec. Ang 2 isyu raw ng NATURAL-BORN at RESIDENCY vs Gracia eh dapat ang PET daw ang duminig? Eh, kaagad namang SINOPLA ito ni Atty at Senior Citizen Romi Makalintal: 'Gracia is not yet elected President and PET is only for elected and sitting president and vice president' See?"

LISA: "Kaya nga nagbigay din ng kanyang reaksiyon si Comelec chair Andres Bautista: - 'PET's jurisdiction over election returns and qualifications of a president comes into play only after elections.' - Ang 2012 COC kase for senatorial race ni Gracia eh idineklara niyang 6 years and 6 months residency na siya sa PHL. NOTARIZED. Ngayon, kung idaragdag ang 3-taon niya as senator, eh 'di 9 years & 6 months residency lang si Gracia sa darating na May 2016 elections! Maliwanag, SHORT si Gracia sa 10 years residency!!!"

CION: "Yes, yes yeow! 'Yung isyu ng natural-born eh puedeng aregLAWhin ng mga aTONGni ni Gracia, pero 'yung kuwenta ng NUMERO kung ilang taon nang naninirahan si Gracia dito sa Phl eh KULANG ng anim na buwan para maging SAMPUNG-TAON paninirahan sa darating na May 2016. Anong klaseng ARITMITIK ba ang gamit ng mga aTONGni ni Gracia, ha? Kahit mga estudyante kase sa elementarya eh alam na ang mathematics eh EXACT SCIENCE. Pero ba't pilit na binabaluktot ng mga political scientists!!!"        

Thursday, December 3, 2015

SHOWDOWN ON GRACIA DQ CASE SHIFTS TO SC

ANA: "O, hayan, sumisipol na a la bulkan na nagsisimulang magbuga ng lahar, re Motion for Recon (MR) ng DQ case na inihain ni David vs Gracia sa SET. Ayon sa text message ni Tito Sen sa media, - same voting, - ibig sabihin eh 5 - 4 pa rin ang boto pabor ke Gracia tulad din no'ng UNA, see? So, awtomatikong aakyat ang DQ case vs Gracia sa SC. Pero sina SC justices (Carpio, Brion & De Castro) who voted against Gracia would be inhibited themselves from the case once it reaches the SC, ayon ke SC Sr Justice Carpio."

LISA: "Uh-unga 'ga. 'Lamobang 'yung decision sa MR ng DQ case vs Gracia sa SET bago pumirma ang 3 SC justices, 'tsaka ni Sen Nang Si, eh nilagyan nila ng inscription above their names - 'I reiterate my dissenting opinion' - para iwas technicality, 'di ba? An'dami kasing KOOKs (foolish persons) na tagaluto ni Gracia ng TEKNIKALIDAD, 'gaya ni GAT SALsal YAN, kase, pilit isinusubo sa utak ng mga bobotantes ang kanyang HAKA-HAKA (presumption) na, to uphold the rights of foundlings! Contrived (IMBENTO)!"

CION: "Kung tutuusin eh NAPAKALAKAS ng jurisprudence na pagbabasehan ng magiging desisyon ng SC laban sa DQ case vs Gracia. Ewan ko kung pa'no 'to sasanggahin ng mga KOOKs ni Gracia sa pangunguna ni TsisMOSO, ang 1991 Lerias Doctrine: SC warned politicians against making political decisions on electoral protests - 'THEY MUST RESOLVE ELECTION CONTROVERSIES WITH JUDICIAL, NOT POLITICAL, INTEGRITY' - So, maliwanag na NILABAG ng SET ang doctrine na'to?"    

Tuesday, December 1, 2015

COMELEC DISQUALIFIES GRACIA FROM THE 2016 PRESIDENTIAL RACE

ANA: "O kitam? Totoong lahat ang sapantaha ko, noh! NAGSINUNGALING si Gracia re sa kanyang COC for president. Kase, idineklara niya sa kanyang COC na 10 yrs & 11 mos na siyang nakatira sa Phl sa darating na eleksiyon sa Mayo 9, 2016! Pero, kung babalikan mo ang deklarasyon nito sa kanyang COC for senator no'ng 2013, sinabi ni Gracia na siya eh residente dito sa bansa mula Nov 2006. So, sa darating na May 2016, si Gracia eh 9 YRS & 6 MOS pa lang siyang nakatira dito sa Phl. Kulang sa 10-taon! O, ha?"

LISA: "Bilib ako sa'yo 'ga, ang galing mo sa music! Biro mong 'di nakaligtas sa'yong pandinig na PERVERSE (salungat) ang NOTA na inawit ni Gracia, noh! 'Buti na lang at 'di naaregLAW ang 2nd Div ng Comelec. Ayon nga sa desisyon ng 2nd Div re citizenship naman ni Gracia - 'International Conventions cannot supplant or override the Constitution which requires a bloodline to a Filipino parent to confer the status of being a natural-born citizen.' - Kilala naman kase ni Gracia ang totoong tatay at nanay niya, 'di ba?"

CION: "Ang nangyayari ngayon sa 5 presidential candidates (Mar, Gracia, Nognog, Brenda at Duteteng) eh AXIOMATIC (katotohanang 'di kailangan ng paliwanag). Bukod-tanging si Mar lamang kase ang walang kinakaharap na problema sa kanyang kandidatura. Si Gracia, kapag napatunayang kulang sa 10-taon ang residensiya sa bansa, 'tsaka kung hindi siya natural-born citizen, eh madi-DQ siya at tatanggalin din bilang senador! Si Nognog, makukulong; si Brenda, matitigok before the elections; si Duteteng, madi-DQ din, See?"