ANA: "Oy 'ga, pakinggan mo ang tula ko, ha! Sampalin mo ako; Sampalin din kita; Magsampalan tayo! O, oke ba? Medyo napikon na kase si Mar sa mga patutsada ni Duteteng. Aba eh, a la babaeng-puta na nagtsismis si Duteteng sa Davao na hindi umano nagtapos si Mar sa Wharton? So, he challenged Mar to produce evidence he did finish a 4-year degree from Wharton! Kung nag-research lang sana ONLINE si Duteteng, eh 'di sana siya mapaghihinalaang isang certified BROMIDE (ungas) at SINUNGALING! See?"
LISA: "Sabi nga ni Mar, CALL! - 'I will show it to you. In fact, I will write Wharton today myself to produce official records, in case he still does not want to believe it.' - Akala kase ni Duteteng eh pipitsugin lang si Mar 'gaya ng mga sinasampal niyang kriminal kuno sa Davao City na hindi makalaban sa kanya dahil napaliligiran siya ng kanyang DDS, 'di ba? Para sa'ken eh utak TALANGKA si Duteteng, bukod pa sa isa rin 'tong DUWAG, peksman! Ipinagmamalaki pa niyang isa siyang BABAERO at MAMAMATAY-TAO!"
CION: O, 'yang puso mo 'day, 'wag kang hi-blood noh! Kung iisipin mo kase, si Duteteng eh nagpaparamdam lang ng kanyang OMINOUS (masamang-banta) para labusawin ang kampanya ni Mar kung sakaling ma-DQ sila ni Gracia ng Comelec. Maliwanag kasing kapwa ayaw ni Duteteng at Gracia na maipagpatuloy ni Mar at ni Leni, sakaling mananalo sila sa eleksiyon, ang programa-de-gobierno ni PNoy - ang Daang Matuwid - hanggang 2022 at posibleng ma-extend pa hanggang 2028 ke future president Leni?"
No comments:
Post a Comment