ANA: "Hay, aandap-andap na rin ang pag-asa ni Duteteng, 'gaya ni Gracia, para matuloy pa ang kanilang pagtakbo sa pagka-pangulo dahil sa kapwa DISPALINGHADO umanong nilalaman ng kanilang COCs sa Comelec! So, sinampahan sila kapwa vs sangkaterbang Petitions for their DQ, o, ha! Kase nga, ultimong mga estudyante, eh naintindihan ang isinasaad ng Phl Consti na pilit BINABALUKTOT nina Duteteng at Gracia para lang ma-qualify sila sa kanilang kandidatura para prisidinti. Eh pa'no kung manalo, DISASTER!"
LISA: "Uh-unga 'ga. Ang isyu vs Duteteng eh wala raw basehan, ayon sa Petition ng isang UP student. Eh kase, 'yung COC ni Duteteng as a substitute candidate eh FOR PRESIDENT, samantalang candidate for Pasay city mayor naman ang nai-file na COC ni Martin Dino! Kahit nga elementary student eh alam ang pagkakaiba ng posisyon ng president at mayor, see? Kapwa superficial (MABABAW) ang katwiran nina Duteteng at Gracia para sagkaan ang kanilang DQ by the Comelec. REPUGNANT (kasuklam-suklam)!"
CION: "Ay, sinabi mo! 'Gaya ni Nognog, si Duteteng at si Gracia eh patuloy nilang binobola para DAZZLE (silawin) ang class C, D & E voters sa pamamagitang ng kanilang mga palipad-hangin. Sabi ni Nognog kung siya ang mananalo - one-to-sawa. Sabi naman ni Duteteng kung siya ang mananalo - lulusawin (dissolve) niya ang Congress (the House and the Senate), samantalang si Gracia eh IGINIGIIT na isa umano siyang natural-born citizen. Bukod-tangi sina Mar, Brenda at Amba ang presidentiables na NO CASE, o, 'di ba?"
No comments:
Post a Comment