Tuesday, December 15, 2015

PDI TURNING 30

ANA: "Me gusto akong idagdag sa 'wento ni PDI columnist Michael Tan. Ang PDI eh itinatag ni Betty Go-Belmonte, kasosyo niya si Eugenia Apostol. Si Luis Beltran ang unang Editor-in-Chief ng PDI na iniimprenta sa Port Area, ang printing and publishing office ng STAR Group of Companies at pagmamay-ari ng pamilya Go. Hindi naglaon eh itinatag din ni Betty ang tabloid na Ang Pilipino Ngayon (APN), now, Pilipino Star Ngayon (PSN), at ang 1st Editor-in-Chief nito'y si Joe Buhain. Hindi kasosyo ni Betty si Eugenia sa APN."

LISA: "Me tama ka r'yan 'ga. Pero ano kaya ang dahilan bakit naghiwalay ang landas (NEGOSYO) nina Betty at Eugenia? Kase, biglang humiwalay si Eugenia ke Betty 'tsaka inilipat ng una sa Makati ang printing and publishing OPIS ng PDI mula noon. So, nagtatag uli ng panibagong broadsheet si Betty at ipinanganak ang The Philippine Star. Si Luis Beltran pa rin ang editor-in-chief. Ang kulay dilaw at istilong pang-tabloid ni Luis na inilalapat nito sa front page ng Phil Star ang kagyat na nagpataas sa sirkulasyon ng braodsheet, see?"

CION: "Yes, yes yeow! Sino bang source niyang 'wento n'yo, ha? Kase, tila naISKUPAN n'yo si Michael Tan, 'di ba? Ang alam ko'y waswit ni House Speaker Sonny Belmonte at nanay ni QC vice mayor Belmonte si Tita Betty, o, ha! 'Tsaka, hindi ba ang BETTY GO-BELMONTE Street sa Cubao, QC eh ipinangalan ng QC Gov't in memory of Betty Go-Belmonte? Ang mga LRT passengers na biyaheng Rosario-Recto eh araw-araw naririnig ang pangalan ni Tita Betty kapag sumasapit sa Betty Go-Belmonte LTR Station, 'di ba?"

No comments:

Post a Comment