Friday, December 11, 2015

WE NEED FACTS, NOT WILD WEST STORIES - MARENG WINNIE MONSOD

ANA: "Talagang PROSPECTIVE (umaasa) pa ring hindi madi-DQ si Gracia sa kanyang kandidatura for prexy ng SC, gano'n din si Duteteng na umaasang papayagan din siyang mag-file ng kanyang COC for president sa Comelec thru substitution in place of candidate & fraternity brother Amba Seneres? Taliwas sa nakikita kong reaksiyon nina Gracia at Duteteng, sila'y parehong desperado na, 'di ba? Sabi nga ni Grace, re DQ decision (2-1) na iginawad laban sa kanya ng Comelec 1st Div, eh hindi pa naman daw siya knock-out!!!"

LISA: "Bakit, sino ba ang kaBOKSING ni Gracia, si Money Pakyu? Samantala, nagpapakita rin ng kanyang pagka-MATON si Duteteng sa kanyang sorties sa mga prabins a la Maks Al Barado, see? Pinapipila ang mga matrona 'tsaka pinagsisiil sila ng halik ni Duteteng sa harap ng kamera! Hay, juice ko pong mahabagin, BONKERS! Anong klaseng pangangampanya ba ang pinaggagagawa ni Gracia at ni Duteteng? Sa halip na SEDATE (mahinahon) sila sa pagpapaliwanag, eh kapwa sila BELLIGERENT (nang-aaway)! Ano ba'yan!!"

CION: "Batay nga sa research (DOKUMENTADO) ni Mareng Winnie Monsod re Livable Cities Design Challenge, ang Iloilo City ang nanalo sa WORLD MAYOR PRICE for 2015, sa panunungkulan ni Iloilo City mayor Jed Mabilog. 2nd place ang Legaspi City at 3rd place naman ang Cebu City. Ang World Mayor Price eh ginaganap kada taon at kasali lahat na pangunahing lungsod sa buong mundo! 'Yung ipinagyayabang ni Duteteng na tahimik umano ang Davao city porke pinatahimik na niya ang mga krininal, BAMBOOZLE!"    

No comments:

Post a Comment