Wednesday, December 30, 2015

GRACIA CAMP HIT OVER INHIBITION BID

ANA: "Tampulan ngayon ng batikos ang CONVOLUTED (mahirap unawain) na inhibition bid ni Gracia para pigilang lumahok sina SC associate justices Antonio Carpio, Teresita Leonardo-de Castro at Arturo Brion from reviewing the rulings of the Comelec canceling Gracia's COC for 2016 presidential election! Dang'kase, yung 3 justices daw eh pawa silang SET mambers na bumotong DQ candidate si Gracia dahil napatunayan siyang hindi natural-born citizen, 'tsaka kulang sa 10-taon ang kanyang residency sa Phl, see?"

LISA: "Ay, hindi lang inhibition para sa 3 justices ang prayer ni Gracia, noh! Gusto rin niya ang CONSOLIDATION (pag-isahin) ang pagdinig sa SC ng mga kasong nagmula sa SET at sa Comelec. It's UNFOUNDED! Ang SET at Comelec kase eh magka-iba pero kapwa sila INDEPENDENT BODIES, therefore, cannot be heard, considered and resolved as one by the SC! Kaya 'yung palusot ng aboGAGO ni Gracia para mag-inhibit ang 3 SC justices eh walang legal basis. 'Di kaya GINAGAPANG ang SC? Ows!"

CION: "Para sa'ken 'day, ang sigasig ng kampo ni Gracia para sagkaan ang 2 DQ cases laban sa kanya sa SC para sa reversal are NIL to NONE! Mabuti pang AMININ na ni Gracia sa Korte na kapatid niya sa ama si Bongget 'tsaka kapatid din niya sa ina si Sheryl Cruz para mawala na ang problema niya. Kung ang desisyon kase ng SC eh hindi siya natural-born citizen, ibig sabihin eh hindi siya puedeng humawak ng ano mang posisyon sa Phl Gov't, elected man o appointed. So, tatanggalin siya bilang elected senator? Aray!"    

No comments:

Post a Comment