ANA: "Bilib talaga ako sa sigasig ng SULSULTANTS ni Gracia para labusawin ang Consti upang hindi siya ma-DQ sa kanyang presidential bid, o, ha! Aba'y nakisawsaw na rin si ex-Comelec chair Sixto Brillantes, re Gracia's DQ by the Comelec. Ang 2 isyu raw ng NATURAL-BORN at RESIDENCY vs Gracia eh dapat ang PET daw ang duminig? Eh, kaagad namang SINOPLA ito ni Atty at Senior Citizen Romi Makalintal: 'Gracia is not yet elected President and PET is only for elected and sitting president and vice president' See?"
LISA: "Kaya nga nagbigay din ng kanyang reaksiyon si Comelec chair Andres Bautista: - 'PET's jurisdiction over election returns and qualifications of a president comes into play only after elections.' - Ang 2012 COC kase for senatorial race ni Gracia eh idineklara niyang 6 years and 6 months residency na siya sa PHL. NOTARIZED. Ngayon, kung idaragdag ang 3-taon niya as senator, eh 'di 9 years & 6 months residency lang si Gracia sa darating na May 2016 elections! Maliwanag, SHORT si Gracia sa 10 years residency!!!"
CION: "Yes, yes yeow! 'Yung isyu ng natural-born eh puedeng aregLAWhin ng mga aTONGni ni Gracia, pero 'yung kuwenta ng NUMERO kung ilang taon nang naninirahan si Gracia dito sa Phl eh KULANG ng anim na buwan para maging SAMPUNG-TAON paninirahan sa darating na May 2016. Anong klaseng ARITMITIK ba ang gamit ng mga aTONGni ni Gracia, ha? Kahit mga estudyante kase sa elementarya eh alam na ang mathematics eh EXACT SCIENCE. Pero ba't pilit na binabaluktot ng mga political scientists!!!"
No comments:
Post a Comment