ANA: "Dahil sa pag-isyu ng SC ng 2 TRO pabor ke Gracia Poe-Llamanzares, eh pumaimbulog ang pag-asa ni Gracia na makakamit din niya ang rurok ng tagumpay bilang kandidatong prisidinti? Sabi ni Gracia - '..the truth and the voice of the people shall prevail' o, ha! O, sige nga, himayin natin 'yung katotohanang lagi nang ipinangangalandakan ni Gracia. Bakit apelyidong POE ang ginagamit ni Gracia sa halip na Llamanzares na totoong apelyido ng kanyang 'markanong asawa't mga anak nila, 'di ba? Ano ang ligalidad nito sa batas, ha?"
LISA: "Ay, natumbok mo ang katotohanan daw na laging sinasambit ni Gracia sa mga interviews ng media sa kanya, eh, KABALIKTARAN pala, see? Si Gracia, ayon mismo sa kanya, eh pinipilit o pinapalipit na siya'y natural-born Filipino, batay daw sa International Law at hindi sa Phl Constitution, o, ha! Sa palagay ko eh LACK OF PROPER BASIS ang argumentong ito ni Gracia at sadyang ipinupublika sa electorate, partikular sa mga BOBOtantes, para lalong tumaas ang kanyang rating? At para ke Gracia, sinungaling ang Comelec!?"
CION: "Yes, yes yeow! ADEPT (dalubhasa) lang talagang mag-CONTRIVE (umimbento) ng argumento ang abogado ni Gracia na si Garcia para magsiwalat sa publiko ng PAGBALUKTOT sa batas pabor siempre ke Gracia, o, 'di ba? Sukdulan na ang pamBOBOla sa publiko ng Gracia camp at sinasambit pang SAMPALATAYA rin umano sila na sila'y kakatigan ng SC, base sa argumento nilang HONEST MISTAKE! Kung bubusisiing maige, eh parang nagkaSUHULAN na sa SC para PABORAN si Gracia???"
No comments:
Post a Comment