ANA: "Hindi ba parang sinasadya ng Comelec na magpalutang sa mga class D & E voters ng CONVOLUTED (mahirap unawain) na desisyong tila baga pumapabor ke Duteteng? Tingnan mo, sabi ng Comelec eh '.. acknowledge and accept Duterte's COC simply a ministerial function of Comelec en banc.' Pero me pasubali si Comelec chair Andy Bautista na ipagpapatuloy pa rin umano ang - 'DQ filed against Duterte pending in the 1st Div would still be resolved as quasi-judicial function.' Hay, I can't comprehend!"
LISA: "Uh-unga 'ga. Talaga yatang sadyang ginagawa ng Comelec ang magpalutang ng kontra-kontrang pahayag, para PULSUHAN ang publiko, partikular ang mga GULLIBLE (uto-uto) voters? Sinabi mismo ni Duteteng na mula ngayon, eh hindi na raw niya hahamunin para magsampalan, magsuntukan at magbarilan sila ni Mar! Bagkos eh, nangako itong kikilos na raw siyang maginoong PRESIDENTIABLE, porke aprobado na KUNO ng Comelec ang kanyang COC? 'Di na siya mag-uugaling maton, babaero at mamamatay-tao?"
CION: "Fine! Mabuting hintayin na lamang ng publiko ang desisyon ng SC re DQ cases laban kina Gracia at Duteteng, noh! Kanya-kanyang imbento na kase ng magkabilang kampo para LABUSAWIN ang isinasaad ng Consti para ma-qualify sa kanilang kandidatura bilang pangulo ng Phl, o, ha! Sabi ng kampo ni Duteteng eh siya raw ang number one sa SWS survey. Kampo mismo niya ang nagpa-komisyon! Eh MAGKANO? Samantala, ang kampo naman ni Gracia eh inakong MALI ang nailagay na length of residency niya sa Phl!"
No comments:
Post a Comment