Monday, February 29, 2016

UNA CAMPS: NPC NOT UNITED BEHIND GRACIA - TSIS

ANA: "Kagyat na inalmahan ni Mon para maILAGAN ng UNA ang OMINOUS (masamang-banta) ng NPC president Orgy Agkabaw na LABRAHAN (hew) para mahati ang mga inaalagaang BOBOtantes ni Nognog sa buong bansa, o, hah! Bilang presidente ng NPC, si Agkabaw eh merong WHEREWITHAL (kakayahang gumawa) ng endorsement para sa Gracia - TsisMOSO tandem. Eh halatang nayanig ang kampo ni Nognog, pero minaliit lang 'to ni Mon upang maILAGAN na 'wag mapikon si Nognog, o, see?"

LISA: "An'dami kong halakhak, 'ga, sa pambubuska mo! Pa'no kase, mismong NPC members sa House of RepresentaTHIEVES, 'gaya ni dePUTAdo Sicharon Dayunyor, eh sinabing wala raw silang alam sa praise release ng kanilang panggulong si Agkabaw! Pero 'lamobang ang mga BELLIGERENTS (naglalabanan) presidential candidates eh pawang mga MANOK ng iisang angkan? Tingnan mo, bilang angkan ng KO HWANG KHO, si PNoy manok si Mar; si Bos Dandong manok si Gracia at si Angkol Pip manok si Nognog!"

CION: "Ay, siyanga! Pero in PERNES, kumbaga sa itlog eh me BUGOK talagang lumalabas sa iisang angkan. Batay sa history, si Bos Dandong na aso-aso raw ni Apo Perder eh siyang pinaghanap ng NPA na titigok ke Ninoy na tatay ni PNoy. Dinedbol si Ninoy no'ng 1983 pagbaba nito sa tarmac ng MIA, ng isa raw NPA na si Rolly Galman, taga-Zaragosa, N E. Samantala, ang mag-asawang Angkol Pip at aunTI-ting Garampingat eh ayaw ipamudmod sa farmers ang Hacienda Luisita in violation of the Land Reform Act!!!"

Friday, February 26, 2016

BONGBONG, MARTIAL LAW & PEOPLE POWER

ANA: "Medyo ASKANCE (nag-aalinlangan) pa rin sa katotohanan ang majority ng Filipino electorate, edad 35 pababa, re world-class corruption sa 2 dekadang ATROCITY (kabuktutan) no'ng panahon ni Apo Perder, tatay ni Bongget, that is even more difficult to erase sa mga nakaranas at nakatatandang minority voters. Pero magsilbi sanang NUCLEUS (panimula) para maliwanagan ng HOI POLLOI (masses) ang mga EBIDENS na inilantad ni Ma'am Sara Soliven de Guzman, re: kalupitan ng martial law, mitsa ng 1986 Edsa People Power!"

LISA: "Ay, me tama ka r'yan 'ga! Kase, sadyang nilalabusaw ng handlers ni vice presidentiable Bongget ang history, porke, golden age kunong maituturing no'ng panahon ng martial law dahil sa BENEVOLENCE (kagandahang-loob) daw ng amang si Apo Perder? Contradictory terms (OXYMORONIC) ang ginagamit na salita, 'gaya nga ng ipinangangalandakan nitong golden age ang panahon ng martial law para sa Pilipino? Bilang anak ng diktador with IMPUNITY (ligtas sa parusa) 'di raw kelangan humingi ng tawad si Bongget? Nakanang-ina, hhuuu!"

CION: "So, makikilala mo sa mga pananalita at kilos si Bongget, who wants to be vice president, ngunit unapologetic about martial law. Kase, magkasing-utak sila ng kanyang ama! Gusto ni Bongget na paghambingin ang kalupitan noon ng METROCOM, nagsilbing kasangkapan ng amang si Apo Perder, sa prutas na durian - MABAHO nga, pero, MASARAP naman? Ang Metrocom eh a la Gestapo at SUBSERVIENT (utusan) ni Apo Perder. Brutal na nanghuhuli, nagpapahirap, nagkukulong at pumapatay ng Pinoy na KONTRA sa martial law! Ganyan ba ang GOLDEN AGE mo, Bongget? Itiklop n'yo 'yang DILA n'yo, sa Ingles, PUT TONGUE-IN ANEW!!!"       

Thursday, February 25, 2016

EDSA ABOUT RIGHT VS WRONG

ANA: "Nagpa-PRESS RELEASE si Bongget sa malaganap na The New York Times, USA, 'tsaka ipinaLAGAY (magkano?) sa front-page ang istorya ng naturang praise-release, re GOLDEN AGE kuno ng Phl no'ng panahon ng diktaturya ng amang diktador na si Apo Perder! Omigad! Sinadyang ipalabas ang nasabing Golden Age isyu sa New York Times bago pa sumapit ang ika-30 anibersaryo ng 4 days (Feb 22 - 25, 1986) EDSA People Power Revolution sa intensiyong maPICK-UP ang istorya ng local media, o, hah!"

LISA: "PATHETIC (kahambal-hambal) talaga ang plano ni Bongget attempting to revise history, kase, mistula siyang GEEK (a performer who eats the brains off) ng mga botanteng kabataan edad 30 pababa, para 'wag gumana ang kanilang utak. Ibig ni Bongget na PAGTAKPAN ang PAGDURUSA ng Pinoy sa ilalim ng Martial Law ni Apo Perder, see? Sabi nga ni Tabako (ex-Gen & Pres) FVR, eh hindi raw talaga maiiwasan na mamulitika si Bongget dahil sa hangad nitong makabalik sa Malakanyang ang mga Marcos?"

CION: "Para sa'ken eh STULTIFY (walang-silbi) 'yung praise-release ni Bongget porke 'di ito tatalab sa kaisipan ng Phl electorate, peksman. Sa talumpati ni PNoy sa 30th anniversary ng People Power, ipinaliwanag niyang isang PAINFUL CHAPTER, at hindi golden age, ang Pilipinas habang nasa ilalim ng 2 dekadang Martial Rule ni Apo Perder. Ang PC-METROCOM (Philippine Constabulary-Metropolitan Command) sa pamumuno no'n ni Col Rolando Abadilla ang a la GESTAPO ni Apo Perder, BRUTAL!!!"         

Wednesday, February 24, 2016

MAR ON EDSA: FIGHT GOES ON

ANA: "Kung tama ang pagkakatanda ko, ang picture na ito no'ng Feb 23, 1986 Edsa People Power sa magkaharap ng camps Aguinaldo & Crame, eh kuha ni Mang Turing, chief photographer ng Ang Pilipino Ngayon (APN), now, PSN (Pilipino Star Ngayon). Wala pa no'n ang LRT-1 kaya madaling nakatawid si Tanda (JPE) mula sa Kampo Aguinaldo patungong Kampo Crame kung saa'y naghihintay si Tabako (Gen. Fidel Ramos) sa kanyang WAR ROOM. Baliktad ang Phl flag patches sa kanang balikat ng mga soldados."

LISA: "Ay uh-unga 'ga. Kung titingnan mo mula sa alapaap sakay ng helicopter, eh makikita mo ang nagsisiksikang tao, a la malaking CROSS, ang kanto ng EDSA at Bonny Serrano Ave. Ay, kakilakilabot! Kase, binabantayan ng tao, sa pakiusap ni Jaime Cardinal Sin, para 'wag matuloy ang bantang pupulbusin kuno ni AFP CoS Gen Fabian Ver ang 2 kampo, see? So, kung tutuusin, ang People Power ang nagligtas sa buhay ni Tanda at sa grupo ng tagabantay nito sa pamumuno ng aide-de-camp nitong si Lt Col Ongasyan!"

CION: "Me tama ka r'yan 'day! Ang kalaban no'n ni Tanda at ni Ongasyan eh si Apo Perder. 3 years after ng People Power, no'ng 1989, nagkudeta ang grupo ni Tanda at Ongasyan laban ke Tita Cory. Tinamaan noon ng bala sa leeg ang future president na si Noynoy ng lumusob sa Malacanyang si Ongasyan. No'ng 2010, sabi ni Mar - 'We fought against CORRUPTION, DECEPTION & THEFT'. So, Year 2016 ngayon, the fight goes on against DEMAGOGUES (political agitators) para sa tunay na demokrasya, for freedom from fear and the freedom to dream! Go, go, go - MAR/LENI!!!"     

Tuesday, February 23, 2016

THEY'RE BARKING UP THE WRONG TREE - LP

ANA: "Halatadong NAALOG (concussion) ang utak ng mga PEDANTIC (nagmamarunong) na amuyong ni Duteteng porke napagtanto nilang NAILAMPASO ni Mar sa debate ang 4 na kalaban sa 1st Presidential Debate na ginanap do'n sa Mindanao na mismong teritoryo ni Duteteng, o, hah! Eh, kung ano-ano na lamang ang ibinabalibag na insulto ke Mar, na isa umano siyang irresponsible citizen? Bakit 'di raw niya isinusumbong sa otoridad na laganap pa rin daw pala ang illegal drugs sa Davao City, taliwas sa iniyayabang ni Duteteng?"

LISA: "Eh pa'no kase, 'di kayang ikaila ng mga KOOKS (amuyong) ni Duteteng na palasak pa rin ang illegal drugs sa Davao City! Kase, no'ng Lunes (Feb 22) lang eh nasakote ang isang mag-waswit na muslim sa checkpoint na inilatag sa Toril District, me dalang shabu para ibenta worth P.5-M, see? So, nagtataka ang mga kooks, bakit alam ni Mar na talamak pa rin ang illegal drugs syndicate sa Davao City, pero 'di raw naman pinaaalam ke Duteteng! Oy mga kooks, si exSILG Sec Mar eh me konek sa Intel community! Oke?"

CION: "Ang hirap kasing mapasubalian ang resulta ng survey sa ginanap na 1st Presidential Debate sa CDO no'ng Sunday. Walang nag-komisyon (nangontrata) sa survey, 'gaya ng pangungumisyon ni Nognog, et al, sa False Acia, kaya pumapabor sa kanila ang matataas na rating, o, 'di ba? Heto ang hindi kayang ITATWA (deny) ng BOBOtantes; Mar - 51.68% (138,172); Duteteng - 41.2% (110,157); Gracia - 3.23% (8,629); Brenda - 2.9% (7,760); and Nognog - 0.99% (2,636). KaLUNOS-LUNOS talaga ang resulta, 'di ba Mon Ilagan?"    

Sunday, February 21, 2016

ELECTION OPENS NEW ERA OF POLITICAL LEADERSHIP

ANA: "Tiyak na maraming nahimasmasang VOTERS, partikular ang mga GULLIBLE (madaling-utuin) na BOBOtantes, matapos sumalang ang 5 presidentiables sa unang presidentiable debates sa CDO kahapon. Sa kanilang panonood o pakikinig (TV-Radio) saan man silang lupalop naroroon sa Phl habang nagaganap ang debate, napagtanto ng mga voters ang kalidad ng bawat kandidato. Halatang merong nagsisinungaling (Nognog); merong intrepid (Duteteng); merong sakitin (Brenda); merong POEpular at MARangal, o, 'di ba?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Sigurado ako in the next few weeks, the ratings are likely to change sa survey firms na kinokomisyon lagi ng BINAYaran dynasty. Kase, ngayon pa lang, meron nang inilabas na survey ang isang blogger (tata_boy) sa ibaba, to wit: Mar Roxas - 48.33% (92,725 votes); Rodrigo Duterte - 43.71% (83,862 votes); Meriam Defensor-Santiago - 3.59 (6,883); Grace Poe-Llamanzares - 3.2% (6,142); Jojo Binay - 1.17% - (2,239). So, OMINOUS (masamang-banta) 'to vs Nognog! Pa'no mo 'to iilagan, Mon?"

CION: "Sa tingin ko 'day, eh parang kinaliskisang TILAPIA si Nognog, porke lahat ng kanyang mga katunggali sa debate eh halatado ang NGITNGIT nila sa isang MAGNANAKAW na tulad ni Nognog. Kitang-kita naman ito sa TV at maliwanag ding napapakinggan sa Radio ng Phl electorate, at maging ng mga OFW sa buong mundo! See? Samantala, ipinagbunyi rin ng mga taga-Mindanao ang isang INTRIPID (matapang) na si Duteteng, kase, umaamin na siya'y bihasang gumamit ng viagra, kaya maraming kulasisi."         

Friday, February 19, 2016

WHO ARE WE TO VOTE FOR?

ANA: "Hoy 'ga, ang tanong ko sa'yo eh - sino sa 5 kandidato ang gusto mong mananalo bilang next presidente ng Phl? Ang MARangal, POEpular, matatandang mga abogado pero kapwa me tama kuno ng cancer 'tsaka isa pang me kasong pandarambong? Sino sa tingin mo sa 5 kandidatong ito ang me taglay na KAHUSAYAN, MALASAKIT SA BAYAN, at KARANGALAN that will be best for the country, not necessarily the candidate that will be best for you? 'Yun bang me untarnished character, NOT corrupt, ha?"

LISA: "Ang C, D & E ang itinuturing na majority class ng Phl electorate dubbed as BOBOtantes, eh karaniwang bumoboto; 1) sa kandidatong me pangakong bibiyayaan siya nito ng benepisyo, 'gaya ng trabaho; 2) ang botante eh iboboto ang kandidato ng kanyang partido; 3) iboboto ang kanyang provice mate; 4) contingent on future events, 'gaya ng pagsama sa mob-rallies para libreng makakain sa Dyalibi, at; 5) ibebenta ang boto sa kandidatong ingunguso ng sulsulero at hatid-sundo mula bahay, presinto at pabalik."

CION: "Oke, balikan natin ang history ng mga ex-presidentes ng Phl. Si Magsaysay eh maituturing na simpleng mekaniko lamang at mahirap ang buhay ngunit EDUCATED bago siya naging politiko. Samantala, sina Quirino, Garcia, Macapagal at Marcos eh pawang sila'y mga landowners, educated at higit sa lahat, with GUNS, GOONS & GOLD. So far, si Magsaysay lamang, batay sa history, ang naging pangulo ng bansa na merong taglay na KAHUSAYAN, MALASAKIT-sa-BAYAN, at KARANGALAN! O, MARangal o POEpular? Pili na!" 

Thursday, February 18, 2016

TSISMOSO: NO ONE CAN PREDICT WHAT THE SC WILL DO

ANA: "An'daming ALLUSIONS (parunggit) na binigkas ni vice-presidentiable TsisMOSO sa ginawang interview sa kanya ng PDI, re DQ cases vs Gracia na nakasalang sa SC. Sabi niya - 'there are definitely JITTERS (mga kinakabahan), no one can predict what the SC will do' - o hah! Well, me katotohanan ang PILANTIK ng mga pananalita ni TsisMOSO, kase, kung uukilkilin mong mabuti ang mga patutsada niyang ito, eh mistulang isang RADAR si TsisMOSO. Sinong mga tinutukoy na kinakabahan, Gracia's handlers?"

LISA: "Ay sinabi mo! Inuukilkil kong parang manok lang na panabong ang papel ni Gracia ng kanyang handlerS, sina Bos Dandong Ko Hwang Kho, porke kelangang manalo talaga si Gracia, by hook or by crook? Hindi talaga maikakaila ang pagka-CUNNING (tuso) nina Bos Dandong mula pa no'ng panahon ni Apo Perder bilang katiwala ni Apo sa PANDARAMBONG! Sa taglay na impluwensiya ni Bos Dandong, eh kaya nitong SUHULAN kahit mga KRISTO sa sabungan para IPANALO ang kanyang manok (Gracia)!"

CION: "Ang tindi mo naman'day! IPINAPA-LAGAY mo bang mga kristo sa sabungan ang mga SC justiis? Sabagay, kung ako ang tatanungin mo, majority-9 ang mananaig para tuluyang maDQ'd si Gracia, KUNG 'di sila kayang GAPANGIN ni Bos Dandong Ko Hwang Kho, 'di ba, TsisMOSO, sir? 'Tsaka nga pala, bakit pulos lahing Ko Hwang Kho yata ang mga sabungerong merong ipinaglalabang manok, ha? Bukod kase ke Bos Dandong, si PNoy (Ko Hwang Kho) manok si Mar, 'tsaka si Angkol Pip, manok si Nognog. Y'see?"        

Tuesday, February 16, 2016

OMB WANTS POWER TO WIRETAP, ACCESS CRIMINALS' BANK RECORDS

ANA: "An'daming NATARANTA (tizzy) na trollers ng mga BOBOtantes ng mga presidentiables, partikular ang mga bayarang trolls sa internet nina Nognog at Duteteng! Re: hirit ni OMB Conchita sa Congress, humiling na pagkalooban ang kanyang ahensia to regulate use of WIRETAPPING for evidence-gathering, and to directly file forfeiture cases before the Sandigan-Bayan without having to go to court to ask permission! Pa'no kase, NILABNAW (diluted) noon mismo ng SC ang investigative power na'to ng OMB!"

LISA: "Uh-unga 'ga! Sabi pa ni OMB Conchita - (Congress should remove the time bar in going after illegally acquired properties, which prohibits the Ombudsman from filing forfeiture cases during the year before elections). Maliwanag kasing pumapabor ang TIME BAR na'to para maantala ang OMB na kumpiskahin ang illegally acquired properties, 'gaya ng multi-billion pesos 350-ha Rosario Farm ni Nognog na naipatayo mula umano sa 13% SOP, ayon ke ex- Mkt VM Estong Mercado! O, 'di ba, Atty Bondal, sir?"

CION: "Sa tingin ko kase, eh parang meron na ngang kapangyarihan ang SC, a la TONGreso, para gumawa ng amendments sa Consti na papabor siempre ke Gracia, re 2 DQ cases nitong kasalukuyang nakasalang sa SC, 'di ba? Binibintangan kase ni SC aso justiis Jardeleza si Comelec Comm Lim at sinabihan nito si Lim - (Comelec's view of producing DNA evidence to prove citizenship is odious and cruel)! Sagot ni Lim - 'Born to' means biological relationship. And by stating 'born to Ronald Allan Kelly Poe' is FALSE! CRUEL ba???"      

Sunday, February 14, 2016

DUTETENG BACK, TAKES SWING AT MAR

ANA: "Bukod sa MISCREANT (buhong) na presidentiable itong si Duteteng, eh certified na BASTOS din ang DILA nito, peksman! Tingnan mo, bihasa si Duteteng na mag-CONTRIVE (umimbento) ng kanyang oral-argument vs Mar na isa umanong UNCIRCUMCISED (supot) ito! Bakit, na-ORAL-SEX ba niya si Mar porke alam niyang supot? Si Duteteng, bilang isang pusakal na babaero, eh eksperto talaga siyang mag-oral sex, kaya siya nagkaroon ng CANCER sa ngala-ngala at idinadahilan niyang migraine lang 'to!"

LISA: "Ay ako, alam ko ang dahilan kung bakit nagkaro'n ng cancer sa ngala-ngala si Duteteng, at hindi na aabot sa 6-taon ang buhay, peksman! Batay sa report ng Agence France - Presse (February 14, 2016; 08:05 AM) 'Washington, USA - Men are twice as likely as women to get cancer of the mouth and throat linked to the human papillousvirus, or HPV, one of the most common sexually transmitted infections, researches say.' Ang salitang PAPILLA means, the small projection of tissue at the base of a hair, tooth, or feather." O, ha!"

CION: "So, ibig sabihin, kahit 'di pa naghuhugas ng PUBIC HAIR (bulbol) ang gagamiting tsiks ni Duteteng eh kagyat na nitong HINAHARUMBA ng oral-sex. HAYUK talaga sa kainan, 'di ba? Pagkatapos kainin eh sunod na babarukbokin ni Duteteng ang kanyang tsiks sabay SULTOP (smack) ng lips nito habang umiindayog a la roller-coaster ang wetpu ni Duteteng, see? After romansahan, eh kinakalimutang magmumog ng feminine wash ni Duteteng, kaya hayun, tinamaan siya ng HUMAN PAPILOUSVIRUS! Hay, buti nga."     

Saturday, February 13, 2016

YOU SHOULD LIKE BuB (Bottom-up Budgeting), PALACE TELLS DUTETENG

ANA: "Kunwa'y CONVOLUTED (mahirap unawain) ng kampo ni Duteteng ang programa ng DAANG-MATUWID, ang BuB, ng PNoy Gov't na isinusulong din ng LP political machinery bilang TOOLS nito para sa kampanyahan sa panguluhan, see? Sa halip kasing PANGAKO o BULADAS lamang, tulad ng pangako pero binabasang SPITS nina Nognog at Gracia sa gagawing mga pagbabago kuno nila, sakaling sino man ang papalaring manalong pangulo, ang Mar-Leni tandem eh para sa continuation ng daang-matuwid lamang."

LISA: "Pero ang APHORISM (a brief expression of a general truth) na'to eh HINDI PANGAKO. Ito'y bagong batas na ipatutupad, sino man ang susunod na pangulo, para IMPLEMENT ng Local Executives ng bayan-bayan nationwide, getz mo? Ito mismo ang speech ni PNoy sa nakaraang Phl League of Mayors. Eh bakit sinasalungat ito ng ibang presidentiables, 'gaya ng kampo ni Duteteng, ha? Sa totoo lang kase, tanging ang LP lamang ang merong complete political machinery at chief campaigner eh mismong si PNoy, o, hah!"

CION: "Kaya nga gumagana na rin ang makinarya ni UNAnong Nognog, mga Tsekwang backers ni Independent Gracia at Kaliweteng spinners ni Duteteng para sa kani-kanilang isusulong na BAMBOOZLE (manlinlang) sa mga BOBOtantes! Paniniwalain sila sa pamamagitan ng PANGAKO na magiging maalwan ang kanilang buhay kung sino man sa kanila ang mananalo. Sasabayan ngayon ng pagpapalabas ng FALSE ACIA survey na si Gracia ang nangunguna upang maging basehan ng SC decision na Pilipino nga si Gracia?"  

Thursday, February 11, 2016

'MANANG' IMEE WELCOMES 'KABSAT' GRACIA

ANA: "Ay wen agpayso, Apo! Kakaiba talaga ang pagtrato ng mga Marcoses sa STUMP (pagkampanya) kahapon ni Gracia sa Batac, Ilocos Norte, kumpara no'ng 'sang-araw para ke Brenda, who are both running for presidente! Kase, mas inasistihan na parang totoong kapamilya ni MANANG (Ate) Imee si Gracia bilang bunso nitong KABSAT (kapatid)? Sabi nga ni Imee - 'While there were questions about (my KABSAT) being a natural-born Filipino, for the (Marcoses) there was no doubt she was an ILOCANA'! O, kitam?"

LISA: "Ang napapansin ko lang kase sa media ngayon, eh hindi ang isyu ng eleksiyon ang tinatalakay sa kanilang report, 'gaya ng plataporma-de-gobierno ng mga kandidato, kundi pawang TSISMIS na pang AC/DC lamang, peksman! Mga ANECDOTAL (amusing account of an incident especially a personal one), tulad ng istoryang FOUNDLING ng bunsong KABSAT (kapatid) ni MANANG (Ate) Imee na IGINUHIT NG TADHANA? Kase, batay sa script, ang posibleng mananalo sa eleksiyon eh Marcos - Marcos kuno?"

CION: "Sa aking Ana/Lisa/Cion, kung ang majority sa electorate eh mga BOBOtantes at ang kanilang minamanok eh kahit sino lang kina Nognog at Gracia, eh TIYAK na mahahati ang majority vote! O, 'di ba? Ngayon, kung halimbawa nama'y merong 30 milyong voters ang mayorya kumpara sa minoryang 20 milyon lamang, pero mga INTELLIGENT voters na boboto batay sa plataporma-de-gobierno, 'gaya ng DAANG MATUWID ng Mar - Leni tandem, eh sino ang mananalo batay sa simpleng FORMULA na'to ng math???"   

Wednesday, February 10, 2016

PNOY TAKES BACKSEAT, LETS MAR & LENI TAKE THE SPOTLIGHT

ANA: "Talagang nakakintal na sa isip at ugali ni PNoy ang GMRC (good manners and right conduct) bilang sariling PROTOCOL nito, re election campaign nina Mar & Leni at mga LP senatoriables, o, hah! Kase, bilang the most important campaigner, si PNoy eh dinudumog sa mga rallies ng HOI POLLOI (the masses) upang makinig sa kanyang mga TAGUBILIN - Ang Daang Matuwid - ang programang ipagpapatuloy ng Mar-Leni tandem sa PAGSUGPO ng korapsiyon para umangat ang kabuhayan ng Pinoy sa buong bansa!"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Kung mananalo ang Mar-Leni tandem, asahang tuloy-tuloy din ang pag-asenso ng Phl hanggang ito'y iwanan ang pagiging 3rd world country nito, see? Pero 'di tulad ng grupo ni Nognog at ni Gracia na gumagamit ng magtu-twerk na TAARTITS para makaakit ng mga BOBOtantes sa mga rallies, si PNoy, literally, took a step back and moved out of the limelight at the LP proclamation rally sa Iloilo City at hayaang mga kandidato ang siyang magsasalita hinggil sa plataporma-de-gobierno base sa Daang Matuwid."

CION: "Oke! Si Nognog kase eh tunay na HAUGHTY (mapagmalaki), kase eh ipinagmamalaki ang ginawa raw niya sa Makati bilang meyor, eh gagawin din niya sa buong Phl kung siya raw ang mananalo. Sige nga, isa-isahin natin. Noong 1986 eh isang atty-no-case lang si Nognog no'ng italaga siyang OIC sa Mkt ni Tita Cory. Ang kanyang domicile sa Mkt eh isang apartment na inuupahan lamang niya. Ito MISMO ang isyung dapat niyang ipaliwanag, papa'no siya nagkaroon ng 242 bank accounts na naglalaman ng multiBILYON PISO?"      

Tuesday, February 9, 2016

ANOTHER SC JUSTICE BACKS GRACIA

ANA: "Medyo luminaw 'yung una nating PRESUMPTION (sapantaha) na 9 SC justices ang possible na bobotong kontra, 3 naman ang AAYON, at 3 pa ang naninimbang kung sila'y pabor o kontra, re Gracia's Natural-Born issue. Sa ika-4 na Martes kase ng pagdinig sa SC ng DQ case/s vs Gracia, eh malinaw sa debate na UMAYON din si Jardeleza, 'gaya nina CJ Sereno at Leonen, para bobotong IBASURA ng SC ang 2 DQ cases vs Gracia, as JURISPRUDENCE (science of law), para ligal na tumakbong presidente?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Pero batay sa argumento ni Comelec Comm Lim vs Justice Jardeleza hinggil sa biological parents kuno ni Gracia - 'The probability that her parents are Filipino, that is pure speculation. It could be struck down by the SC for violating due process.' Lim also invokes that speculation is not required to be the BASIS of a decision and going into the possibilities would be PURE SPECULATION! Korek! O, 'di ba? Where the language is clear, only application is required, interpretation is NOT allowed! O, getz mo?"

CION: "Me tama ka r'yan 'day! Sa palagay ko'y imposibleng meron pang mabaklas sa majority-9 justices para pumanig sa minoryang kinabibilangan ng CJ. Kaya nga 'yung financial & political backers ni Gracia, those who will reap $$$ in the events she wins, eh, GINAGAPANG na nila ang 9-majority SC justices, sina; Carpio, Brion, Del Castillo, Perlas-Bernabe, Bersamin, Peralta, Leonardo-De Castro, Perez at Velasco. Kung meron 2 justices lang na BABALIKTAD at pumanig sa minorya, tapos ang boksing, Gracia wins!"               

Friday, February 5, 2016

ROAD TO MALACANANG STARTS HERE

ANA: "Bilib ako talaga sa paglalarawan ng PDI sa 5 posibleng tatakbo sa eleksiyon para presidente porke nakakaaliw! Para kasing programa sa karera ng kabayo sa Sta Ana racetrack ang ginawang illustration ng PDI sa mga presidentiables, o hah! Ngayong araw ng Martes (Feb 9) na kase ang simula ng kampanyahan at siempre, me kanya-kanyang lugar ng STARTING POINT ang 5 presidentiables para sila'y mag-umpisang magpa-BONGGA sa electorate. Si Mar eh sa Roxas City, Capiz, ang lugar ng kanyang sentimental journey."

LISA: "Ay, siyanga! Pero 'lamobang kakaiba ang launching ni Nognog sa kanyang sorties ng kampanya? Biruin mong pinili ni Nognog na makasama raw niya ang KAPWA NIYA mga MAHIHIRAP sa loob ng Welfareville, Mandaluyong! Wala bang nakahalo kahit isa man lang mayamang BOBOtante na naka-confine sa loob ng Welfarevill? Samantala, si Duteteng nama'y gustong ganapin ang simula ng kanyang sorties sa Tondo, Manila, kung saa'y sagana kuno sa mga kriminal at adik na balak niyang i-WIPE OUT! Rat-tat-tat!"

CION: "Hay naku, mga satiriko kayo talaga! Kung sabagay 'yang pang-uuyam n'yo eh mas nauunawaan 'yan ng ating mga readers, lalo na 'yung mga pikon, noh! Kase, si Brenda eh isasama raw ni Bongget sa Batac, Ilocos Norte para KAUSAPIN ang ISPIRITU ng amang si Apo Perder at ipaalam ni Brenda na magaling-na-magaling na kuno ang kanyang cancer, see? Si Gracia nama'y nasa balag-ng-alanganin pa rin na maDQ, kaya nga balak nitong maglakad ng paluhod sa Quiapo Church para sa MIRACLE na siya'y 'wag maDQ!"  

Thursday, February 4, 2016

TANDA SEES PLUNDER ACQUITTAL

ANA: "Sa pakiwari ko'y 'di ito addressed sa SandiganBayan, kundi pahayag sa HOI POLLOI (madlang pipol), a la  halinghing ng haliparot ni Tanda, re his plunder case. Sabi niya; (I'm going to trial and I assure you, I'll acquit myself because there's no basis for the charges. I did not do anything). Ibig sabihin sa Tagalog eh ipawawalang-sala raw niya ang kanyang sarile sa kanyang PLUNDER case! Eh halatang TREMULOUS (nangangatal na sa takot) si Tanda porke gumagamit na ito ng REVERSE PSYCHOLOGY, o, 'di ba?"

LISA: "Uh-unga 'ga! Para bagang dinidiktahan ni Tanda ang mga IMPECUNIOUS (maralitang) Pinoy, na bukod sa abogado niya ang mismong sarile laban sa kanyang kasong pandarambong, eh siya rin daw ang maglalabas ng hatol na ACQUITTAL sa kanyang sarile! Hindi naman lahat ng maralitang Pinoy eh BOBOtantes ng BINAYaran dynasty at BOBOlahin nitong parang bingo, o, hah! Me paawa-epek pa si Tanda - (What is happening to me is that I get cramps, I suffer from pain), see? Hay, balasubas talaga!"

CION: "Ang mga ganitong klase kase ng pahayag eh NUCLEUS (panimula) lang ng POL ADS, peksman! So, hindi ito kukuentahin ng Comelec bilang konsumo sa itinakdang oras para sa political advertisements ng bawat kandidato. Kaya, maliwanag na PSYWAR ito ni Tanda pabor ke Nognog. Kung susumahin mo kase, eh magkakatotoong-lahat ang mga IMPLICIT (pahiwatig) na'to ni Tanda kung maipapanalo niya si Nognog para maging panggulo ng Phl. Kung magkakagayon eh kahila-hilakbot ang buhay ng Pinoy, ukinnanamet, huu!"       

Wednesday, February 3, 2016

OMB IN SILENT PROTEST VS TANDA BAIL

ANA: "Sa pakiwari ko eh isa muling WILE (panlilinlang) sa publiko ang pinalulutang na MIRACLE RECOVERY kuno ni Tanda, bunsod sa pahintulot ng SC na makapaglagak ito ng piyansa para makalayang pansamantala mula sa kanyang hospital arrest, despite his being charged with a non-bailable offense of PLUNDER, o, hah! Sa botong 8 - 4, SC granted Tanda's bail plea last August. Sa PONIETA (ponencia) ni aso justiis Lokong Beermanen, tinukoy nito ang mahinang kalusugan ni Tanda para 'to makapagpiyansa!!!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Mistula tuloy na REVENANT (bumalik na multo) mula sa CATACOMB (hukay) si Tanda para manligalig sa Senado, o,'di ba? Kasama si CJ Maria Lourdes Sereno, t'saka Asso Justices Marvic Leonen, Antonio Carpio at Estela Perlas-Bernabe who DISSENTED sa ponieta ni Beermanen, to wit; chronic hypertension, cardiovascular decease, irregular heartbeat, asthma-COPD overlap syndrome, eyesight problems, and historical diagnoses of high blood sugar, high cholesterol, enlarge prostate, etc, etc."

CION: "Putaragiz, eh sobrang dami naman pala 'yung ponietang sinulat at nilistang sakit kuno ni Tanda, ni aso justiis Beermanen, at inayudahan pa ng 7 pang SC aso justiis dahilan para payagang makapag-piyansa si Tanda on huMONEYtarian grounds kuno! Magkano? So, tungkol nga sa isyung ito ang mismong puntirya ng pagtatanong ng media ke OMB Conchita, kung meron daw bang SPECIAL FAVOR at SELECTIVE JUSTICE mula sa majority-8 aso justiis para makalayang pansamantala si Tanda? Sa SC daw ibato ang tanong, sabi ni OMB, porke meron ng pending MR sa SC re Tanda bail ang OMB since last year, o hah!"          

Monday, February 1, 2016

JUDGE ORDERS SEN SONNY ARREST

ANA: "Naks, masaya 'to! Kung libelo ang demanda vs Sen Sonny re SUHOL ni Dayunyor sa 2, sa halip na 3 CA justiis, para sa TRO ng kanyang DQ bilang yorme ng Mkt, anong klaseng EBIDENS naman kaya ang pupuedeng iprisinta ni Sonny? Kung gagamitin ni Sonny ang RECORDS ng Senate BRsC report re plunder case against BINAYaran dynasty bilang documentary evidence, eh 'di damay-damay na silang mag-anak na madidiin sa PATIBONG? Tingin ko kase eh bitag ang case na'to vs Nognog para sumagot sa husgado, see?"

LISA: "Me tama ka r'yan, 'ga. Makikita natin kung tatalab sa judge 'yung laging palusot ng BINAYaran dynasty sa media na paninira lang umano sa kanilang reputasyon ang imbestigasyong isinagawa ng Senado na sila'y MANDARAMBONG, o, hah! Sabi ni Sonny - (I will not allow thieves to head the country). Araguy! Kung gano'n, kelangang mapagKONEK-KONEK ng abogado ni Sonny ang tunay na istorya kung bakit merong suhulan para 'wag maDQ si Dayunyor. So, klaro na MAUUNGKAT sa husgado ang BRsC report!"

CION: "Well, depende 'yan sa kalibre ng abogado ng magkabilang panig. 'Yung mga ganito kasing HIGH PROFILE na kaso eh talagang naninimbang ang judge dahil NAKATANGHOD ang madlang-pipol, partikular ang mga BOBOtantes, sa magiging resulta ng kaso. Kung tutuusin kase, dahil sa libel case na isinampa ni Dayuyor vs Sonny, eh malaki ang posibilidad na MAUUNGKAT LAHAT sa hearing ang BRsC report na, ayon ke sub-committee chairman Koko Pimentel, eh naisumite na rin ito sa Ombudsman. Ows!!!"