ANA: "Tiyak na maraming nahimasmasang VOTERS, partikular ang mga GULLIBLE (madaling-utuin) na BOBOtantes, matapos sumalang ang 5 presidentiables sa unang presidentiable debates sa CDO kahapon. Sa kanilang panonood o pakikinig (TV-Radio) saan man silang lupalop naroroon sa Phl habang nagaganap ang debate, napagtanto ng mga voters ang kalidad ng bawat kandidato. Halatang merong nagsisinungaling (Nognog); merong intrepid (Duteteng); merong sakitin (Brenda); merong POEpular at MARangal, o, 'di ba?"
LISA: "Uh-unga 'ga. Sigurado ako in the next few weeks, the ratings are likely to change sa survey firms na kinokomisyon lagi ng BINAYaran dynasty. Kase, ngayon pa lang, meron nang inilabas na survey ang isang blogger (tata_boy) sa ibaba, to wit: Mar Roxas - 48.33% (92,725 votes); Rodrigo Duterte - 43.71% (83,862 votes); Meriam Defensor-Santiago - 3.59 (6,883); Grace Poe-Llamanzares - 3.2% (6,142); Jojo Binay - 1.17% - (2,239). So, OMINOUS (masamang-banta) 'to vs Nognog! Pa'no mo 'to iilagan, Mon?"
CION: "Sa tingin ko 'day, eh parang kinaliskisang TILAPIA si Nognog, porke lahat ng kanyang mga katunggali sa debate eh halatado ang NGITNGIT nila sa isang MAGNANAKAW na tulad ni Nognog. Kitang-kita naman ito sa TV at maliwanag ding napapakinggan sa Radio ng Phl electorate, at maging ng mga OFW sa buong mundo! See? Samantala, ipinagbunyi rin ng mga taga-Mindanao ang isang INTRIPID (matapang) na si Duteteng, kase, umaamin na siya'y bihasang gumamit ng viagra, kaya maraming kulasisi."
No comments:
Post a Comment