Thursday, February 4, 2016

TANDA SEES PLUNDER ACQUITTAL

ANA: "Sa pakiwari ko'y 'di ito addressed sa SandiganBayan, kundi pahayag sa HOI POLLOI (madlang pipol), a la  halinghing ng haliparot ni Tanda, re his plunder case. Sabi niya; (I'm going to trial and I assure you, I'll acquit myself because there's no basis for the charges. I did not do anything). Ibig sabihin sa Tagalog eh ipawawalang-sala raw niya ang kanyang sarile sa kanyang PLUNDER case! Eh halatang TREMULOUS (nangangatal na sa takot) si Tanda porke gumagamit na ito ng REVERSE PSYCHOLOGY, o, 'di ba?"

LISA: "Uh-unga 'ga! Para bagang dinidiktahan ni Tanda ang mga IMPECUNIOUS (maralitang) Pinoy, na bukod sa abogado niya ang mismong sarile laban sa kanyang kasong pandarambong, eh siya rin daw ang maglalabas ng hatol na ACQUITTAL sa kanyang sarile! Hindi naman lahat ng maralitang Pinoy eh BOBOtantes ng BINAYaran dynasty at BOBOlahin nitong parang bingo, o, hah! Me paawa-epek pa si Tanda - (What is happening to me is that I get cramps, I suffer from pain), see? Hay, balasubas talaga!"

CION: "Ang mga ganitong klase kase ng pahayag eh NUCLEUS (panimula) lang ng POL ADS, peksman! So, hindi ito kukuentahin ng Comelec bilang konsumo sa itinakdang oras para sa political advertisements ng bawat kandidato. Kaya, maliwanag na PSYWAR ito ni Tanda pabor ke Nognog. Kung susumahin mo kase, eh magkakatotoong-lahat ang mga IMPLICIT (pahiwatig) na'to ni Tanda kung maipapanalo niya si Nognog para maging panggulo ng Phl. Kung magkakagayon eh kahila-hilakbot ang buhay ng Pinoy, ukinnanamet, huu!"       

No comments:

Post a Comment