ANA: "Medyo ASKANCE (nag-aalinlangan) pa rin sa katotohanan ang majority ng Filipino electorate, edad 35 pababa, re world-class corruption sa 2 dekadang ATROCITY (kabuktutan) no'ng panahon ni Apo Perder, tatay ni Bongget, that is even more difficult to erase sa mga nakaranas at nakatatandang minority voters. Pero magsilbi sanang NUCLEUS (panimula) para maliwanagan ng HOI POLLOI (masses) ang mga EBIDENS na inilantad ni Ma'am Sara Soliven de Guzman, re: kalupitan ng martial law, mitsa ng 1986 Edsa People Power!"
LISA: "Ay, me tama ka r'yan 'ga! Kase, sadyang nilalabusaw ng handlers ni vice presidentiable Bongget ang history, porke, golden age kunong maituturing no'ng panahon ng martial law dahil sa BENEVOLENCE (kagandahang-loob) daw ng amang si Apo Perder? Contradictory terms (OXYMORONIC) ang ginagamit na salita, 'gaya nga ng ipinangangalandakan nitong golden age ang panahon ng martial law para sa Pilipino? Bilang anak ng diktador with IMPUNITY (ligtas sa parusa) 'di raw kelangan humingi ng tawad si Bongget? Nakanang-ina, hhuuu!"
CION: "So, makikilala mo sa mga pananalita at kilos si Bongget, who wants to be vice president, ngunit unapologetic about martial law. Kase, magkasing-utak sila ng kanyang ama! Gusto ni Bongget na paghambingin ang kalupitan noon ng METROCOM, nagsilbing kasangkapan ng amang si Apo Perder, sa prutas na durian - MABAHO nga, pero, MASARAP naman? Ang Metrocom eh a la Gestapo at SUBSERVIENT (utusan) ni Apo Perder. Brutal na nanghuhuli, nagpapahirap, nagkukulong at pumapatay ng Pinoy na KONTRA sa martial law! Ganyan ba ang GOLDEN AGE mo, Bongget? Itiklop n'yo 'yang DILA n'yo, sa Ingles, PUT TONGUE-IN ANEW!!!"
No comments:
Post a Comment