Wednesday, February 24, 2016

MAR ON EDSA: FIGHT GOES ON

ANA: "Kung tama ang pagkakatanda ko, ang picture na ito no'ng Feb 23, 1986 Edsa People Power sa magkaharap ng camps Aguinaldo & Crame, eh kuha ni Mang Turing, chief photographer ng Ang Pilipino Ngayon (APN), now, PSN (Pilipino Star Ngayon). Wala pa no'n ang LRT-1 kaya madaling nakatawid si Tanda (JPE) mula sa Kampo Aguinaldo patungong Kampo Crame kung saa'y naghihintay si Tabako (Gen. Fidel Ramos) sa kanyang WAR ROOM. Baliktad ang Phl flag patches sa kanang balikat ng mga soldados."

LISA: "Ay uh-unga 'ga. Kung titingnan mo mula sa alapaap sakay ng helicopter, eh makikita mo ang nagsisiksikang tao, a la malaking CROSS, ang kanto ng EDSA at Bonny Serrano Ave. Ay, kakilakilabot! Kase, binabantayan ng tao, sa pakiusap ni Jaime Cardinal Sin, para 'wag matuloy ang bantang pupulbusin kuno ni AFP CoS Gen Fabian Ver ang 2 kampo, see? So, kung tutuusin, ang People Power ang nagligtas sa buhay ni Tanda at sa grupo ng tagabantay nito sa pamumuno ng aide-de-camp nitong si Lt Col Ongasyan!"

CION: "Me tama ka r'yan 'day! Ang kalaban no'n ni Tanda at ni Ongasyan eh si Apo Perder. 3 years after ng People Power, no'ng 1989, nagkudeta ang grupo ni Tanda at Ongasyan laban ke Tita Cory. Tinamaan noon ng bala sa leeg ang future president na si Noynoy ng lumusob sa Malacanyang si Ongasyan. No'ng 2010, sabi ni Mar - 'We fought against CORRUPTION, DECEPTION & THEFT'. So, Year 2016 ngayon, the fight goes on against DEMAGOGUES (political agitators) para sa tunay na demokrasya, for freedom from fear and the freedom to dream! Go, go, go - MAR/LENI!!!"     

No comments:

Post a Comment