ANA: "Nagpa-PRESS RELEASE si Bongget sa malaganap na The New York Times, USA, 'tsaka ipinaLAGAY (magkano?) sa front-page ang istorya ng naturang praise-release, re GOLDEN AGE kuno ng Phl no'ng panahon ng diktaturya ng amang diktador na si Apo Perder! Omigad! Sinadyang ipalabas ang nasabing Golden Age isyu sa New York Times bago pa sumapit ang ika-30 anibersaryo ng 4 days (Feb 22 - 25, 1986) EDSA People Power Revolution sa intensiyong maPICK-UP ang istorya ng local media, o, hah!"
LISA: "PATHETIC (kahambal-hambal) talaga ang plano ni Bongget attempting to revise history, kase, mistula siyang GEEK (a performer who eats the brains off) ng mga botanteng kabataan edad 30 pababa, para 'wag gumana ang kanilang utak. Ibig ni Bongget na PAGTAKPAN ang PAGDURUSA ng Pinoy sa ilalim ng Martial Law ni Apo Perder, see? Sabi nga ni Tabako (ex-Gen & Pres) FVR, eh hindi raw talaga maiiwasan na mamulitika si Bongget dahil sa hangad nitong makabalik sa Malakanyang ang mga Marcos?"
CION: "Para sa'ken eh STULTIFY (walang-silbi) 'yung praise-release ni Bongget porke 'di ito tatalab sa kaisipan ng Phl electorate, peksman. Sa talumpati ni PNoy sa 30th anniversary ng People Power, ipinaliwanag niyang isang PAINFUL CHAPTER, at hindi golden age, ang Pilipinas habang nasa ilalim ng 2 dekadang Martial Rule ni Apo Perder. Ang PC-METROCOM (Philippine Constabulary-Metropolitan Command) sa pamumuno no'n ni Col Rolando Abadilla ang a la GESTAPO ni Apo Perder, BRUTAL!!!"
No comments:
Post a Comment