ANA: "Sa pakiwari ko eh isa muling WILE (panlilinlang) sa publiko ang pinalulutang na MIRACLE RECOVERY kuno ni Tanda, bunsod sa pahintulot ng SC na makapaglagak ito ng piyansa para makalayang pansamantala mula sa kanyang hospital arrest, despite his being charged with a non-bailable offense of PLUNDER, o, hah! Sa botong 8 - 4, SC granted Tanda's bail plea last August. Sa PONIETA (ponencia) ni aso justiis Lokong Beermanen, tinukoy nito ang mahinang kalusugan ni Tanda para 'to makapagpiyansa!!!"
LISA: "Uh-unga 'ga. Mistula tuloy na REVENANT (bumalik na multo) mula sa CATACOMB (hukay) si Tanda para manligalig sa Senado, o,'di ba? Kasama si CJ Maria Lourdes Sereno, t'saka Asso Justices Marvic Leonen, Antonio Carpio at Estela Perlas-Bernabe who DISSENTED sa ponieta ni Beermanen, to wit; chronic hypertension, cardiovascular decease, irregular heartbeat, asthma-COPD overlap syndrome, eyesight problems, and historical diagnoses of high blood sugar, high cholesterol, enlarge prostate, etc, etc."
CION: "Putaragiz, eh sobrang dami naman pala 'yung ponietang sinulat at nilistang sakit kuno ni Tanda, ni aso justiis Beermanen, at inayudahan pa ng 7 pang SC aso justiis dahilan para payagang makapag-piyansa si Tanda on huMONEYtarian grounds kuno! Magkano? So, tungkol nga sa isyung ito ang mismong puntirya ng pagtatanong ng media ke OMB Conchita, kung meron daw bang SPECIAL FAVOR at SELECTIVE JUSTICE mula sa majority-8 aso justiis para makalayang pansamantala si Tanda? Sa SC daw ibato ang tanong, sabi ni OMB, porke meron ng pending MR sa SC re Tanda bail ang OMB since last year, o hah!"
No comments:
Post a Comment