Monday, February 1, 2016

JUDGE ORDERS SEN SONNY ARREST

ANA: "Naks, masaya 'to! Kung libelo ang demanda vs Sen Sonny re SUHOL ni Dayunyor sa 2, sa halip na 3 CA justiis, para sa TRO ng kanyang DQ bilang yorme ng Mkt, anong klaseng EBIDENS naman kaya ang pupuedeng iprisinta ni Sonny? Kung gagamitin ni Sonny ang RECORDS ng Senate BRsC report re plunder case against BINAYaran dynasty bilang documentary evidence, eh 'di damay-damay na silang mag-anak na madidiin sa PATIBONG? Tingin ko kase eh bitag ang case na'to vs Nognog para sumagot sa husgado, see?"

LISA: "Me tama ka r'yan, 'ga. Makikita natin kung tatalab sa judge 'yung laging palusot ng BINAYaran dynasty sa media na paninira lang umano sa kanilang reputasyon ang imbestigasyong isinagawa ng Senado na sila'y MANDARAMBONG, o, hah! Sabi ni Sonny - (I will not allow thieves to head the country). Araguy! Kung gano'n, kelangang mapagKONEK-KONEK ng abogado ni Sonny ang tunay na istorya kung bakit merong suhulan para 'wag maDQ si Dayunyor. So, klaro na MAUUNGKAT sa husgado ang BRsC report!"

CION: "Well, depende 'yan sa kalibre ng abogado ng magkabilang panig. 'Yung mga ganito kasing HIGH PROFILE na kaso eh talagang naninimbang ang judge dahil NAKATANGHOD ang madlang-pipol, partikular ang mga BOBOtantes, sa magiging resulta ng kaso. Kung tutuusin kase, dahil sa libel case na isinampa ni Dayuyor vs Sonny, eh malaki ang posibilidad na MAUUNGKAT LAHAT sa hearing ang BRsC report na, ayon ke sub-committee chairman Koko Pimentel, eh naisumite na rin ito sa Ombudsman. Ows!!!"

No comments:

Post a Comment