Wednesday, February 10, 2016

PNOY TAKES BACKSEAT, LETS MAR & LENI TAKE THE SPOTLIGHT

ANA: "Talagang nakakintal na sa isip at ugali ni PNoy ang GMRC (good manners and right conduct) bilang sariling PROTOCOL nito, re election campaign nina Mar & Leni at mga LP senatoriables, o, hah! Kase, bilang the most important campaigner, si PNoy eh dinudumog sa mga rallies ng HOI POLLOI (the masses) upang makinig sa kanyang mga TAGUBILIN - Ang Daang Matuwid - ang programang ipagpapatuloy ng Mar-Leni tandem sa PAGSUGPO ng korapsiyon para umangat ang kabuhayan ng Pinoy sa buong bansa!"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Kung mananalo ang Mar-Leni tandem, asahang tuloy-tuloy din ang pag-asenso ng Phl hanggang ito'y iwanan ang pagiging 3rd world country nito, see? Pero 'di tulad ng grupo ni Nognog at ni Gracia na gumagamit ng magtu-twerk na TAARTITS para makaakit ng mga BOBOtantes sa mga rallies, si PNoy, literally, took a step back and moved out of the limelight at the LP proclamation rally sa Iloilo City at hayaang mga kandidato ang siyang magsasalita hinggil sa plataporma-de-gobierno base sa Daang Matuwid."

CION: "Oke! Si Nognog kase eh tunay na HAUGHTY (mapagmalaki), kase eh ipinagmamalaki ang ginawa raw niya sa Makati bilang meyor, eh gagawin din niya sa buong Phl kung siya raw ang mananalo. Sige nga, isa-isahin natin. Noong 1986 eh isang atty-no-case lang si Nognog no'ng italaga siyang OIC sa Mkt ni Tita Cory. Ang kanyang domicile sa Mkt eh isang apartment na inuupahan lamang niya. Ito MISMO ang isyung dapat niyang ipaliwanag, papa'no siya nagkaroon ng 242 bank accounts na naglalaman ng multiBILYON PISO?"      

No comments:

Post a Comment