ANA: "Hoy 'ga, ang tanong ko sa'yo eh - sino sa 5 kandidato ang gusto mong mananalo bilang next presidente ng Phl? Ang MARangal, POEpular, matatandang mga abogado pero kapwa me tama kuno ng cancer 'tsaka isa pang me kasong pandarambong? Sino sa tingin mo sa 5 kandidatong ito ang me taglay na KAHUSAYAN, MALASAKIT SA BAYAN, at KARANGALAN that will be best for the country, not necessarily the candidate that will be best for you? 'Yun bang me untarnished character, NOT corrupt, ha?"
LISA: "Ang C, D & E ang itinuturing na majority class ng Phl electorate dubbed as BOBOtantes, eh karaniwang bumoboto; 1) sa kandidatong me pangakong bibiyayaan siya nito ng benepisyo, 'gaya ng trabaho; 2) ang botante eh iboboto ang kandidato ng kanyang partido; 3) iboboto ang kanyang provice mate; 4) contingent on future events, 'gaya ng pagsama sa mob-rallies para libreng makakain sa Dyalibi, at; 5) ibebenta ang boto sa kandidatong ingunguso ng sulsulero at hatid-sundo mula bahay, presinto at pabalik."
CION: "Oke, balikan natin ang history ng mga ex-presidentes ng Phl. Si Magsaysay eh maituturing na simpleng mekaniko lamang at mahirap ang buhay ngunit EDUCATED bago siya naging politiko. Samantala, sina Quirino, Garcia, Macapagal at Marcos eh pawang sila'y mga landowners, educated at higit sa lahat, with GUNS, GOONS & GOLD. So far, si Magsaysay lamang, batay sa history, ang naging pangulo ng bansa na merong taglay na KAHUSAYAN, MALASAKIT-sa-BAYAN, at KARANGALAN! O, MARangal o POEpular? Pili na!"
No comments:
Post a Comment