Sunday, October 26, 2014

GAIN ALL OR LOSE ALL

ANA: "Matinding DILEMMA ang pinagdaraanan ngayon ni Nognog, kase, merong nagpapayo sa kanyang UMURONG na lamang sa ambisyon nitong maging panggulo ng Phl dahil basang-basa na sa mga bobotante ang papel niya. Pero, umaangil sa pagtanggi ang mga SUKAB at bayarang spookymen ni Nognog, at binubuyo nilang ituloy ang laban nito, GAIN ALL OR LOSE ALL! Mantakin mo 'yon?"

LISA: "Eh kase nga, ang apektado sa pag-urong halimbawa ni Nognog sa hangarin nitong kumandidato at MANALO bilang panggulo, eh 'yung sangkaterba nitong mga SPIN DOCTORS, porke mapuputol na ang milyon-milyong DATUNG na tinatanggap nila para LABUSAWIN ang isyung 13% at JCB Farm laban ke Nognog! O, 'di ba?"

CION: "Do or die na talaga ang pakiramdam ni Nognog. Kung uurong kasi siyang kumandidato for prez habang kasalukuyang umaalingawngaw sa buong sambayanan ang pandarambong ng dinastiyang BINAYaran sa Makati sa nakalipas na 3 dekada, eh t'yak na makukulong SILANG MAG-ANAK. Bukod pa ito sa MAIILIT din ang kayamanang dinambong nila. Samantala, kung itutuloy niya ang kanyang kandidatura at malustay man hanggang masaid ang kayamanang dinambong, eh baka manalo? Ay susmaryopes kang talaga, Nognog ka!!!"

Friday, October 24, 2014

ROTTEN FISH AND FOUL SMELLING INFORMATION

ANA: "NakakaHIPNOTISMO (mesmerizing) raw, ayon ke Mareng Winnie, ang mga pautot ni Tonyo Tiu sa nakaraang Senate BRsubC hearing re si Tonyo raw ang tunay na nagmamay-ari ng 350-hectare JCB Farm sa Rosario, Batangas, at hindi ang dinastiyang BINAYaran. Nag-down payment kuno ng P11-M si Tonyo sa dating may-ari ng JCB Farm (Hacienda Nognog) na kinilalang si Laureano Gregorio para sa kabuuang halaga na P450-M property! Puede ba ang gano'n?"

LISA: "Hindi! Ano siya, sinusuerte? Hoy, Tonyo, makinig ka. Humarbat ka na laang ng sunog-na-cake ni Nang Si dahil 'di na kailangan ang resibo d'yan. Nagpakilala kang isang batikang negosyante, puwes, ipakita mo bilang KATUNAYAN, ang DOCUMENTS (mga Titulo ng property) ng BILIHAN sa pagitan mo at ni Gregorio ng JCB Farm, at kung ito eh registered na sa Register of Deeds! O, 'di ba?"

CION: "Talagang PINAIIKOT ala-tsubibo ni Tonyo ang hearing sa BRsubC sa intensiyong iligwak ('wag idamay) ang BINAYaran dynasty sa kasong plunder na WALANG PIYANSA. Sa prinsipiyo ng CONSPIRACY, itong si Tonyo eh malinaw na kasabwat din sa pandarambong ni Nognog at kanyang buong pamilya. Kase, madalas sabihin ni DOJ Sec LdL, re PDAF scam, (THE ACT OF ONE IS THE ACT OF ALL). 'Yung mga kasabwat na sina Lim Lin Gan, Ba Lo Loy at iba pang Tsekwa, nasaan na? Nasa mainland China???"

Thursday, October 23, 2014

TRILLANES: IN NOGNOG'S SECRET JCB FARM HE LIVES A KINGLY LIFESTYLE

ANA: "Kung IGIGIIT sa BRsubC ni Tony Tiu ang kanyang PALUSOT na lehitimong sa kanya ang JCB Farm, puede kayang isama rin siya bilang CONSPIRATOR (kasabwat) sa isasampang demanda ng OMB vs dinastiyang BINAYaran? Kasing-bigat din kaya ito ng posibleng ipapataw na kaso vs BINAYaran dynasty na WALANG PIYANSA?"

LISA: "Ay sana Lord, pakinggan mo po ang panalangin ni Ana, amen. Kase, narinig ko minsan na binanggit ni DOJ Sec LdL na (conspiracy means the act of one is the act of ALL)! Sa madaling-sabi, kasabwat ni Nognog si Tony Tiu para LABUSAWIN ang BRsubC hearings at iligtas sa TIYAK sabay-sabay na pagkaCALABOOSE ng BINAYaran dynasty habang pending sa SB ang kasong PANDARAMBONG!"

CION: "Sa ocular inspection ni Sen Trillanes sa JCB Farm sa Rosario, Batangas, sa loob ng compound at sa rest house kuno ni Tony Tiu, kasunod ang sangkaterbang tri-media, eh, naobserbahan ni Trillanes na HINDI tourist spot ang Farm kundi pangPRIBADO LANG ito! Kase, walang paradahan ng buses para sasakyan ng mga turista. Sabi pa ni Trillanes na lavish (masyado), excessive (napakamahal) at obscene (masagwa) na maBULGAR sa publiko na ultimong CR eh merong chandelier! At pag-aari ito ng politikong si Nognog na INAAMING dating poor. So, saan kinuha ni Nognog ang ipinambili ng haciendang tulad ng JCB Farm???"  

Wednesday, October 22, 2014

THE SENATE IS A POLITICAL BODY & BRsubC HEARINGS ARE A POLITICAL EVENT

ANA: "Masidhi ang ginagawang PAUTOT ng mga spookymen ni Nognog para ILIHIS ang atensiyon ng publiko re Senate's BRsubC hearings na nakasentro sa umano'y PATONG-PATONG na BUKULAN mula sa kaban-ng-bayan ng Makati ng dinastiyang BINAYaran. Hinamon ng kampo ni Nognog si Sen Trillanes na magpanghamok sila sa isang debate, ang AGENDA eh tungkol nga sa isyu ng pandarambong ni Nognog."

LISA: " Ay masaya 'to kung matutuloy, peksman. Bukod sa pipiliing MODERATORS, meron pang dagdag na kondisyon ang kampo ni Nognog. Kung tatanggapin umano ni Trillanes ang hamon eh bahala raw siyang magtakda ng araw at lugar kung saan isasagawa ang debate. Agad na sumang-ayon si Trillanes sa hamon ni Nognog na sila eh magdebate sa loob ng Hacienda JCB sa Rosario, Batangas at ang audience nila'y ang mismong mga taga-Rosario, bukod pa sa tri-media! Papayag naman kaya ang me-ari kunong si Tony Tiu?"

CION: "Para sa'ken eh pipti-pipti kung matutuloy nga 'yang pautot na 'yan ni Nognog. Kase, hindi na kailangan pang magdala ng documentary evidence si Trillanes para iwagayway sa audience na pulos botanteng taga-Batangas. Bagkos, sila'y tatanungin na lamang at kilalanin kung SINO ba talaga ang may-ari ng 350 hectares JCB Farm na nagkakahalaga ng DALAWANG BILYONG PISO, pero hindi nababayaran ng property taxes para sa kaban-ng-bayan ng Rosario!!! O, 'nong say mo???"

Monday, October 20, 2014

FARCICAL PROCEEDINGS?

ANA: "Bakit, ang imbestigasyon ba ng Senate BRsubC vs Nognog, ayon sa iginigiit ni spookman Remily ng BINAYaran, eh farcical (kahangalan o katunggakan)? Sinasadya ni Nognog na gamitan ng malalalim na tala-salitaan, 'gaya ng word na farcical, ang publiko para HINDI nila MAINTINDIHAN ang ibig sabihin, 'di ba?"

LISA: "Ako, ako, alam ko ang ibig sabihin ng English word na FARCICAL, kase, hindi ako bobotante. Farcical means - ludicrous or absurd to the point of provoking ridicule or laughter. O, kitam? ang galing-galing ko! Hindi ako boboto sa isang HANGAL at TUNGGAK na PUNGGOK na 'gaya ni Nognog, noh? NEVAH!!!"

CION: "Eh, 'yun na nga ang dahilan ni Nognog kaya nililibot ang buong Phl para PAIKUTAN ang mga bobotante at SUHULAN ng kilong bigas, noodles, sardinas na nakalagay sa supot na me tatak na vote Nognog for president. Hindi kailanman maniniwala si Nognog sa SWS survey, kase, puedeng merong nagKOMISYON sa SWS, 'gaya ng False Asia na BINAYaran ni Nognog para tumaas ang kanyang rating, peksman!"

Sunday, October 19, 2014

NOGNOG SHOULD NEGOTIATE FOR A GRACEFUL EXIT

ANA: "Hindi ba parang kahabag-habag ang kalagayan ngayon ni Nognog na ala-ASOng ulol na muling hinimod ang iniluwa nitong pang-LALAIT ng personal ke Pnoy? Likas talagang SINUNGALING si Nognog, kase, 3 oras daw silang nag-usap sa Malacanang para umareglo ke Pnoy, pero 2.5 oras palang nagbutas-ng-silya si Nognog at 30 minutos lang silang nag-usap ni Pnoy?"

LISA: "Mistulang mga PANIKI (panicking) na kase ang mga amuyong ni Nognog porke nakikita nilang GUMUGUHO na ang itinatayong palasyo (read: Malacanang) sa buhangin ni Nognog. Pa'no naman kase, unti-unti nang lumalabas sa mata ng publiko ang bilyon-bilyong kinulimbat mula sa kaban-ng-bayan ng dinastiyag BINAYaran. He bit more than he could chew, 'eka nga."

CION: "Kaya nga sinadya ni Nognog si Pnoy sa Malacanang para makiusap na pigilin ni Pnoy na imbestigahan siya (Nognog) ng DOJ. Otherwise, BUBULUSOK ang pangarap ni Nognog, kasama ang buong pamilya at bayarang alipores nito, at makuKULONG, sa halip na sa Malacanang sila tumira bilang panggulo ng PHL? Pakiusapan na lang ni Nognog si Pakman para hagisan siya ng kulay-puting tuwalya para libre na siya sa demanda. Mag-enjoy na lang ang BINAYaran dynasty sa 350-ha JCB Farm sa Rosario, Batangas habang 'di pa iniilit ng gov't ito, 'di ba?"      

Friday, October 17, 2014

EXCEPTION TO THE HEARSAY RULE

ANA: "Hinimay-himay uli ni Mareng Winnie sa kanyang kolum ang dating UGNAYAN (tongpats o bukulan) kuno ni Makati exVP Estong ke Nognog nang ang huli eh siya pa ang meyor ng Makati. Ayon pa ke Mareng Winnie, mismong OMB at DOJ eh interesado sa bagong pasabog na'to ni Estong vs Nognog, kase, LEGALLY, eh gumawa si Estong ng (declaration against interest which is an exception to the hearsay rule.) O, getz mo?"

LISA: "Yes, yes yeow. Eh pa'no, puede na bang ihambing sina Nognog at Estong sa RIDING-IN-TANDEM? Kase, kung magkaangkas silang mag-amo, alam siempre ni Estong kung gaano katulin ang dating ng tongpats o bukulan na ISINUSUBI nito ke Nognog! Therefore, he knows where all the bodies are buried 'eka nga, o, 'di ba? And will Estong lie about it?"

CION: "Nabi-visualize ko na magiging ala-Ferdinand Marcos si Nognog, peksman. Hindi na nabawi ni Ferdie ang mga properties na ipinangalan ke Lucio Tan at ito rin ang tiyak-na-tiyak na magaganap ke Nognog sa kanyang 350 hectares JCB Hacienda sa Rosario, Batangas. Siguradong dummy ni Nognog lang ang makikinabang, ala-Lucio Tan, sa nasabing JCB properties, kase, mismong si Nognog eh na-ESTOPPED after denying they are theirs. IBALIK SA GOV'T ANG PROPERTIES!!!"

Thursday, October 16, 2014

HK LEADER OFFERS TO REOPEN TALKS WITH PROTESTERS

ANA: "Medyo kumambiyo si HK Chief Executive Leung Chun-ying matapos mapagtantong HINDI siya uurungan ng mga protesters na pilit nitong BINABARASO na sumunod sa sistema ng communist gov't na gustong ipa-IRAL ng communist China sa democratic Hong Kong. Nakunan kase ng video ang panggugulpi ng mga pulis sa isang student protester sanhi upang umalburoto sa galit ang mga protesters vs communist China thru its HK leader Leung Chun-ying,'di ba?"

LISA: "Meron nang pattern ang pambabarasong ganito ng Communists. 'Gaya no'ng 1949, the commies defeated the Nationalist forces of Generalissimo Chiang Kai-shek na puwersahang umurong sa TAIWAN no'ng December 8, 1949. Ang PROBINSIYA ng Taiwan noon eh kapwa pinag-aagawn din ng mga Komunista at Nationalista na kapwa noon nagpapahayag na ang bawat isa sa kanila ang siyang tunay na RULER ng buong China. Nagpirmahan ang USA at Nationalist China ng Mutual Defense Treaty noong 1954, bunsod upang ang Nationalist goverment na ang ligal na magpapa-iiral ng DEMOKRASYA sa Taiwan bilang isang republikang bansa."

CION: "Me tama ka r'yan 'day. Malamang sa hindi eh matutulad din ang Hong Kong sa Taiwan. Sa kapipilit kase ng mga komunistang ISUBO-ng-pilit ang sistemang komunismo sa HK eh, I'm SURE, 'di magtatgal eh MAGSASARILE bilang isang republika ang Hong Kong at mahiHIWALAY sa communist China, sumpaman! Dito masusukat kung ga'no lumaban sa GERA ang communist China laban sa Armed Forces ng GB habang nakaalalay ang US at ang UN. Sige ngaa, T'song!!!"  

Friday, October 10, 2014

BARE ALLEGATIONS OF EX-VM MERCADO VS VP JOJO, A FALLACY?

ANA: "Saklot sa pangamba ang de-kalembang na lieyers ni Nognog, kase, hindi na nila kayang masagot ng deretso sa publiko ang iniladlad na HARD EVIDENCE ni Estong sa Senate BRsubC re kabuuang P4 BILLION BUKOL (kickbacks) na tinanggap umano ni Nognog habang meyor siya ng Makati, mula sa kontratistang HillMarks? Pero bare allegations (TSISMIS) lang daw naman ito, ang sabi ni spookman Joy Sanggano! Susmaryopes!!!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Kung tatagalugin mo, HUBAD-SA-KATOTOHANAN (bare allegations) daw ang mga EBIDENS na inilahad ni ex-VM Estong sa Senate hearing(s) na kinober ng TRI-MEDIA, bukod pa sa INTERNET worldwide, 'gaya ng world class at green parking building na BINAYaran ng P2.7 BILLION, samantalang humigit-kumulang sa P500 million lamang daw pala ang halaga ng parking building, ayon naman sa kuwenta ng COA, o, 'di ba?"

CION: "Oke, regarding sa 350 hectares (farm) hacienda JCB sa Rosario, Batangas, 'yung mga trabahador pala ro'n eh nabunyag na sila pala 'yung mga ghost employees na pinasusueldo kada buwan ng Makati Gov't 'tsaka ginuguwardiyahan din ng Omni Security Agency na pag-aari naman ni Lim Lin Gan na certified dummy (IMBUDO) ni Nognog? So, pa'no ngayon ITATANGGI ng mga lieyers ni Nognog ang mga BUKULANG ito with CONCRETE ebidens? Sige nga, subukan n'yo!!!"  

VP JOJO DENIES HIS FAMILY OWNS HACIENDA IN ROSARIO, BATANGAS

ANA: "Hindi maikakailang tusong abogado si Nognog, peksman. Biruin mong 2010 pa pala, no'ng kapapanalo pa lang niya bilang vice president, eh kagyat nitong IPINANGALAN ang pagmamay-ari ng kanyang hacienda sa mga dummies. Kase, lumalabas sa records ng Municipal Assessor ng Rosario, noong 2010 pa pala ginawa ang huling deklarasyon ng real property tax ni Nognog sa nasabing 350 hectares JCB Farms?"

LISA: "Ah, wala! 'Di makalulusot 'yang EBIDENS na 'yan ni Nognog. Kumbaga kase sa larong chess, tatlong sulong na laang at siguradong CHECKMATE (kalaboso) na si Nognog. Parang nabi-visualize ko no'ha, bilang remedy para SAGIPIN sa CALABOOSE si Nognog ng kanyang mga lieyers na pulos kuno de kalembang, eh mag-iisip ng move para STALEMATE (dayain) ang laban? Putragiz, walang ganyanan!!!"

CION: "Well, 'lamobang nag-empleo ng isang matandang babae (67 years old) na orchid cutter si Dra Elenita? Last month (September) eh nag-resign na siya after 14 years na empleado at sueldong P4,000 a month ng JCB Farms. Ang orchid cutter eh pinilit umano ng kanyang anak na mabuting magpahinga na lang sa kanilang bahay kesa ituring na YOKEL at BUSABOS ng todo KURIPOT na amo, feeling magiging first lady? KASUMPA-SUMPANG DINASTIYA, HHUUU!!!"    

Wednesday, October 8, 2014

SET UP AS PART OF THE COVER-UP

ANA: "Tila palyadong tambutso (VOCIFEROUS) ang bibig ng mga SPOOKmen ni Nognog sa pagsangga sa bagong PASABOG ni exVM Estong Mercado vs pamilyang BINAYaran sa hearing ng Senate BRsubC re ang tunay na nagmamay-ari ng 350 hectares lawak ng hacienda sa Rosario, Batangas na tinatayang nagkakahalaga raw ng P1.2 BILLION? Susmaryopes, kanino ba talaga, ha? An'laki-laki namannn!!!"

LISA: "O sige, alin ang mas malake, 'yung AIRCONDITIONED na kulungan ng baboy ni Nognog sa Rosario, Batangas o 'yung Mansion ni cheap-PNP Santisima sa San Leonardo, Nueva Ecija? Hinahamon kase ni exVM Estong ang media na i-cover din daw nila at IKUMPARA 'yung kulungan ng baboy ni Nognog sa mansion ni Santisima. O, 'nong say mo?"

CION: "Ako na lang ang magkukumpara. 'Yung mga biktima ng Yolanda at Zamboanga siege eh NANINIRAHAN hanggang ngayon sa mga tents o tagpi-tagping kubo. Mga nakatirang BOBOTANTE na laging inuuto at nireregaluhan ni Nognog ng 'sang kilong bigas, sardinas, noodles, nakalagay sa supot na merong tatak: Nognog for President. Samantala, mismong si exMV Estong daw ang naghahatid ng FEEDS sa mga patabaing baboy ni Nognog para pamBENTA at magkamal ng kuwartang PONDO sa eleksiyon ni Nognog???"

Monday, October 6, 2014

"HELD IN ABEYANCE"

ANA: "Sino ba kase ang nagsabing HELD IN ABEYANCE ang nakatakdang  imbestigasyon bukas, Oct 8 at 9:00 AM, ng Senate BRsubC re parking building na BINAYaran ng P2.7-B, ha? Ang Blue Ribbon committee chairman Sen Gunggongna ba o ang ac/dc reporter na si Mila Aher?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Ang labo kase ng report ni Mila eh, ahaik-ahik-ik. Kulang-kulang ang kanyang report ng 5 Ws, (who, what, when, where, why), at walang H (how). Dapat ipinaliwanag ni Mila sa kanyang report kung bakit (held in abeyance) ang imbestigasyon, at kelan dapat itutuloy ng BRsubC ang imbestigasyon sa mga BINAYaran! Magkano ba ang sobre para sa juricdictional challenge (delaying TACTIC) na'to ni Dayunyor, ha?"      

CION: "Huwag ka ngang manghilakbot, noh! Reading between lines, kitang-kita na pabor ito sa subKOMITA ni Sen KokoPim3, kase, puedeng maglabas ng RULING ang BRsubC ngayong araw porke binigyan na ng BRC Chairman ng pahintulot ang subKomita na gumawa ng desisyon re jurisdictional challenge na unang isinampa ni Dayunyor vs BRsubC. So, tuloy-na-tuloy nang TUTUSTAHIN (imbestigasyon) bukas, as scheduled, ang mga TNL na BINAYaran! O, intiende?"

Sunday, October 5, 2014

HK PRO-DEMOCRACY PROTESTERS: IT'S GOING TO BE A LONG FIGHT

ANA: "Sa mainland China, nagkaroon ng civil war sa pagitan ng Chinese Communists at NAAGAW ng mga komunista ang Nationalist Gov't ni President Chiang Kai-shek noong 1949. Samantala, no'ng mga panahon ding 'yon, ang Hong Kong eh sakop naman ng British crown colony mula pa no'ng 1842, kung kaila'y ginawang TRADING STATION ng Britanya ang Hong Kong at pinakikinabangan, hanggang sa ngayon, ng mga bansa sa buong mundo sa larangan ng komersiyo."

LISA: "Bilib ako sa research mo 'ga, kapani-paniwala talaga. Pero, idagdag ko lang na hindi TINALIKDAN noon ni Chiang Kai-shek ang kanyang Nationalist Gov't, bagkos eh INILIPAT lang ang Gov't no'ng Dec 8, 1949 mula mainland, sa probinsiya ng Taiwan. Palibhasa nga'y Nationalist Gov't base sa kanilang 1946 Constitution ang ipinairal ni Generalissimo Chiang sa probinsiya ng Taiwan, kaya't kalauna'y kinilala ng USA bilang isang demokratikong BANSA ang Taiwan, HIWALAY sa gobiernong mainland China na isang komunista. O, getz mo?"

CION: "Ang Hong Kong eh itinuturing na probinsiya ng mainland China. Pero bago i-turn over ng Great Britain ang Hong Kong sa communist China no'ng 1997, eh merong BILIN ang UK na MANANATILING DEMOCRACY ang iiral sa Hong Kong, sa pamamagitan ng One Country - Two systems policy. Ibig sabihin, demokratikong gobyerno ang iiral sa Hong Kong at hindi komunismo na gustong ISUBO ngayon ng mainland sa Hong Kong province. Kapag nagkataon, magiging INDEPENDENT ang Hong Kong like Taiwan??? PEOPLE POWER na!!!"

Friday, October 3, 2014

THE SAME STANDARD

ANA: "Meron na namang naKALKAL si Mareng Winnie na kaso sa Sandigan-Bayan (SB) na kapareho halos ng kasong pandarambong ni Nognog at waswit nitong si Dra Elenita. Pero kung aarukin mo ang naturang kaso kumpara sa kaso ng mga Binay, eh SISIW lang ang kinulimbat na datung ni ex-Mayor Zenaida Maamo ng Liloan, Southern, Leyte - P43,000. Si Maamo eh sentensiyado ng SB ng 6 yrs, 2 Mos to 10 yrs na kalaboso no'n lamang Sept 22. Kawawa naman. . ."

LISA: "Kaya nagkapareho kasi 'yung kaso ni Maamo at ni Nognog eh dahil sa BAGAL ang usad ng naturang mga kaso. 'Yung ke Nognog eh naisampa sa SB no'ng 1994, at 'yung ke Maamo eh nangyari ang pangungulimbat niya ng P43,000 no'ng 1995, pero sinampahan lang siya ng kaso after 10 years, no'ng 2005, nung pumalit sa kanyang meyor ng Liloan, Leyte na si KAgulaNg-gulang TOmas TAN. Maliwanag, POLITIKA ang dahilan! O, 'di ba?"

CION: "Si Maamo kase eh 'di kayang magbayad ng MILYONES 'gaya ng FEES ng battery of lieyers ng dinastiyang BINAYaran. Mantakin mong pinatitigil ng mga abogago ang hearing ng Senate BRsubC sa bilyon-bilyong tinatanggap na BUKOL ni Nognog, in AID OF LEGISLATION, dahil sa isyu ng jurisdiction? Kase, kung ililipat ang hearing sa SB eh SUBJUDICE na ang isyu kung gagamitin ang istorya ng media at t'yak na mako-contempt of court sila. Kung magkagayon, eh 'di mananalong panggulo si Nognog? DISASTER!!!"  

Thursday, October 2, 2014

FINDINGS OF OVERPRICING

ANA: "NakakapaNGINIG-ng-laman ang pagkaSUGAPA sa pandarambong mula sa kaban-ng-bayan ng mga TNL na BINAYaran makalipas ibulgar sa Senate BRsubC hearing kahapon ni COA Comm Heidi Mendoza na DINAMBONG ni Makati ex-mayor Elenita Binay ang mahigit na P60 MILLION halaga ng hospital equipments mula sa pondong P70 Million!"

LISA: "Uh-unga 'ga. 'Lamobang ni-ransack pala ang bahay ni Comm Heidi ng dalawang-beses bago ang Senate BRsubC hearing kahapon, na ayon ke Heidi, eh parang me hinahanap daw na ORIGINAL documentary evidence ang mga culprits-na-BINAYaran? Pero, tiniyak ni Heidi na wala naman daw nakita, kung anomang dokumento ang hinahanap ng mga hinayupak, kasi, hindi naman daw siya nag-uuwi ng mga dokumento sa bahay mula sa kanyang opis, o, 'di ba?"

CION: "Gayunman, eh lalong LUMINAW sa publiko ang super KASIBAAN ng mga BINAYaran sa ginawang pagbubulgar ni Comm Heidi. Aba'y biruin mong more than P60 MILLION pala ang DINAMBONG ni Makati ex-Mayor Elenita Binay na halaga ng hospital equipments mula sa pondong P70 Million ng Makati Gov't? Sukdulan na talaga ang pagkaGAHAMAN sa kayamanan at kapangyarihan ng dinastiyang BINAYaran, SUMPA MAN!!!"

Wednesday, October 1, 2014

HONGKONG, IT'S A TEACHING MOMENT

ANA: "Alam mo bang ang Hong Kong was founded in 1842 by Great Britain as trading station? Ang Hong Kong ay itinuturing na isa sa pinaka-importanteng PUERTO (ports) sa buong Earth, kase, nagsilbi itong (listening post) ng mga Western diplomats hanggang mid-1900s. At kalaunan nga'y nanguna na itong industrial and tourist center sa buong mundo! O, Biruin mo 'yon?"

LISA: "Yes, yes yeow. Palibhasa eh ang Britania ang me kontrol sa Hong Kong bilang colony nito, eh siempre pa, FULL DEMOCRACY ang sistemang umiiral sa buong kolonya. Gayunman, eh merong PASINTABI ang Communist China at nagdeklara noon na ang Hong Kong umano eh parte ng kanilang teritoryo. Subalit hindi na muling humirit pa ang mga Komunista, kase, nag-operate DIN sila ng Communist People's Bank of China, kasabay ng mga malalaking trading companies mula sa Western counties."

CION:"Eh, 'yun na nga marahil ang dahilan kung bakit tila nagdadalawang-isip ngayon ang China KUNG babarasuhin para ibalik ang sistemang komunista sa mga taga-Hong Kong. Halos lahat kasi ng kayamanan, kapangyarihan at transaksiyon ng Communist China sa mundo eh sa Hong Kong ginaganap bilang pangunahing TRADING CENTER sa buong mundo, o, 'di ba?"