Monday, April 7, 2014

AL VITANGCOL III - "I DID NOT GO TO AMB RYCHTAR TO EXTORT $30M"

ANA: "Bakit sinalsal (SS in media parlance) ng todo-todo sa media ang tila inimbentong kaso ng extortion laban ke MRT GM Al Vitangcol III? Parang ilaw sa redlight district na patay-sindi, o baka merong ac/dc, 'di kaya?"

LISA: "Eh pa'no kase, mukhang napikon si Czech Ambassador Rychtar dahil tinanggihan 'yung unang alok ng Czech firm na Inekon para mag-supply ng additional trains sa MRT na halos doble sa $1.8M presyo kada bagon na napanalunan ng lowest bidder na isang Chinese firm. Ibig sabihin, NAPURNADA ang kikitain sana ni Amba!!!"

CION: "Yes, yes, yow. Amoy patay na daga ang masisinghot mo sa kasong ito. UNA, gustong isangkot no'n ang bayaw ni PNoy sa extortion case na'to pero nilinaw mismo ni Amba na hindi totoo ang bintang. Ngayon nama'y si MRT GM Al Vitangcol ang puntirya na siya umanong pasimuno sa extortion try, pero giit ni Al na hindi kailanman sila nagkaharap ni Amba. Unang-UNA, sino ba kase ang writer ng mali-maling script na'to, ha? PERWISYO talaga!!!"

No comments:

Post a Comment