ANA: "Sabi ni exSen Ping Lacson eh 12 senaTONG lang daw at 'di 19, batay sa unang report ng PDI, ang umano'y kasama sa HUMARABAS sa kanilang PDAF. Halo-halo raw sila at merong quorum tuwing ilalatag ni Janet sa kanyang SABSABAN ang PDAF ng mga HAYUK na senaTONGs. Lundagin mo baby!!!"
LISA: "Uh-unga 'ga. Merong maiingay na onorabol, 'gaya nina Junggoy at Bobong Revilla, merong hindi masyadong maingay, 'gaya nina Tanda, Tito Sen at Gringo, at meron ding sobra-sobra a la simenteryo ang katahimikan, 'gaya nina onorabol LAPIDa, Leron-Leron Sinta 'tsaka si exSen Ed Ang Garapal. O, kitam???"
CION: "Lahat-halos eh talagang nasorpresa sa pagbaliktad na'to ni Janet, lalo na ang kampo ni Tanda/Gigi Reyes, na tiyak na gagawa ng REMAT sa binubuo pa lang sanang (picture frame) para sa kanilang depensa. Pupuede na nating IPUSTA ang tig-'sanglibong sentimos nina Veep Nognog at Yorme Erap manalo-ng-tig-'sang barko, na masisintensiyahan ng LIFE ng Ombudsman sina Tanda at Gigi, kasama sina Junggoy at Bobong Revilla. Bet???"
No comments:
Post a Comment