ANA: "Bakit kaya sobrang RANKLE ni Siydeekew ke Mar Roxas, ha? Kase, nagmistula itong HAROT laban ke Mar porke nag-a la palengkero umano ang huli nang pagbubulyawan nito ang isang staff ng Wack Wack golf club no'ng sinisingil ng entrance fee?"
LISA: "Hindi 'yung pagka-palengkero ni Mar ang talagang isyu na gustong IKULAPOL ni Siydeekew vs Mar kundi POLITIKA, peksman. Biruin mong pati 'yung isyu ng putol-putol na video ni exTongresman Jose Mari na biyenen ni Tacloban Mayor Romualdez eh isinama sa LITANYA ni Siydeekew vs Mar? Susmaryopes talaga, huuu!!!"
CION: "Ang nakakapagtaka, bakit 'di yata natitighaw ang ULULATION ni Siydeekew vs Mar, samantalang tikom ang bibig ng UNA hinggil sa mga kapalpakan ng dinastiyang-Binay? Meron kayang HINDI NAKIKITA ang publiko, 'gaya ng abutan-ng-sobre, para sa AC/DC from Nognog to Siydeekew???"
No comments:
Post a Comment