Saturday, April 26, 2014

FURIES OVER JANET LIM-NAPOLES LIST

ANA: "Hala ka Ping, ano na 'yang ginawa mo na pinag-away away mo 'yang dating mga kakosa mo sa Senado? Pero sa totoo lang, me tama ka talaga ng isiwalat mo sa publiko ang listahan ng mga TOTOONG nakiSABSAB at nakinabang din mula sa kanilang PDAF na loko-makers, peksman!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Napansin mo rin bang kakaiba ang galit ng ilang mga onorabol, partikular sina Brenda, SP Frankie at si presidentiable Alan Peter, porke, animo TINAMAAN silang isa-isa sa batok ng a la sipang-kabayo, kaya naman isa-isa ring UMARAY sa LISTAHAN ni Ping na umano'y binigay DAW ni Jimmy mula sa asawang si Janet. Ows?"

CION: "Well, mukha namang hindi nagsisinungaling si Ping, kase nga eh inamin niyang draft lang daw 'yung listahan ng 12-LOKO-MAKERS na masyadong maiingay, tulad ng 3 naghuhumiyaw sa galit na sina Brenda, ang SP at ang presidentiable, kasama ang hindi-masyadong maiingay 'gaya nina Tito Sen, Gringo 'tsaka 'yung tahimik a la himlayang-pilipino 'gaya nina Guerrero LAPIDa, Leron-Leron Sinta at si Ed Ang Garapal, o, 'di ba?"  

No comments:

Post a Comment