ANA: "Naku, an'dami-raming haka-haka ang naglalabasan ngayon kung tetestigo ba si Ma'm Gigi AGAINST or FOR onborabol Tanda, at siempre, sampid na rin dito sina Junggoy at Bobong Revilla? Anong say mo, ha?"
LISA: "Eh kase nga, 'yan din mismong ISPEKULASYON na 'yan ang pinangangambahan ng dal'wang abogado (Benipayo and Cascolan) ng mga whistle-blowers, kumbaga sa ilog, eh bakit sobrang tahimik at walang LAGASLAS ang kampo ni Tanda, therefore, hindi maarok sa lalim, o, 'di ba?"
CION: "Merong katotohanan 'yang mga SAPANTAHA n'yo 'day, porke, hindi tatanda ng walang pinagkatandaan si TANDA na kilalang warfreak, ligal man o iligal, sa larangan ng pakikidigma. No'ng una'y labis na kinamuhian siya ng Pinoy bilang implementor ng martial law, pero hinangaan naman siya nitong huli bilang senate president ng sintensiyahan nilang guilty si exCJ Corona. Mag-ANTABAY tayo!!!"
No comments:
Post a Comment