ANA: "Napansin mo ba 'ga na parang tugtog ng orkestrang sintunado ang galaw ng mga akusado sa pandarambong, noh? Bago pa kase ipahayag ng Ombudsman na merong PROBABLE CAUSE re PDAF scam eh nawala na sa RADAR ang 53 akusado sa pangunguna nina onorabol Junggoy at Bobong Revilla, Hay, ang init juice koh, TANG INUmin n'yo!"
LISA: "In fairness, sumibat noon si exSen Ping bago siya mababaan ng arrest warrant ng Ate Glo Admin, kaya sigurado akong KINOPYA lang ng mga onorabols na merong sariling pondo, 'yung ISKERDANG ginawa no'n ni exSen Ping. Matatandaang 'tsaka na lamang bumalik sa Phl, 2nd-half ng kanyang term as senator, si exSen Ping nang humalili na ang PNoy Admin vice GMA Admin, o, 'di ba?"
CION: Uh-ungaa 'day, ang talino mo talaga. Pero sino sa palagay mo ang KAPURAL (mastermind) sa a la great escape na'to ng 53 akusado sa pandarambong ha, si Janet Lim-Napoles? si Tanda? o ang manok ng UNA sa pagka-panggulo ng Pinas na umano'y ipaglalaban ng DIKDIKAN ng yagbols upang ipanalo siya sa 2016 presidential elections? Kung magkagayon, siguradong mapawaWALANG-SALA ang mga mandarambong??? Nakanang-ina talaga, huuu!!!"
No comments:
Post a Comment