Friday, April 25, 2014

DOJ SEC LEILA DE LIMA: I WON'T SHOW LIST

ANA: "O, kitam? 'Yung  USOK (list) na pinasingaw ni Janet Lim-Napoles ke SoJ LdL eh sentro na ngayon ng ALIMURAAN (vituperation) sa pagitan nina Brenda at Ping, at pinalala pa'to ng mga broadSHITS kaya naman nagtutungayaw sa pagtanggi sina SP Frankie at Sen Peter Alan na 'di raw sila kasama sa QUORUM (50% + 1) ng senaTONGs na sumabsab ng kani-kanilang PDAF."

LISA: "An'dami talagang ispekulasyon kase nga eh 'yung listahang hawak ni Ping, bukod daw sa walang pirma si Janet, eh mas kakaunti ang nakalistang senatong. Samantala, 'yung list na PERSONAL na ibinigay ke De Lima at pirmado ni Janet, eh KUMPLETO  umano ng pangalan ng 19 sangkot na onorabol, bukod kina Tanda, Junggoy at Bobong Revilla? Hay, MAJORITY nga!!!"

CION: "Meron pang binabanggit sa isang news report na hawak umano ni Sandra Cam ang isa pang listahan din ng mga kasangkot sa pandarambong ng PDAF. So, para sa'ken, ang lahat nang ito eh PRETEXT. Pagdadahilan upang sadyang guluhin at ILIGAW ang isipan ng publiko para MAGDUDA sa nakatakdang pagsasampa ng Ombudsman na merong PROBABLE CAUSE sa kasong Plunder vs Tanda, Junggoy at Bobong Revilla?"

No comments:

Post a Comment