Wednesday, April 9, 2014

FORECLOSURE OF SOME 52,289 HOUSING UNITS PROBED

ANA: "Noong June 2008, ang Committee on Housing and Urban Development ng House of Representatives eh nagsagawa ng imbestigasyon kung bakit IPINAGBILI ang 52,289 delinquent accounts ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC), isang gov't owned and controlled corp, sa isang pribadong kompanyang BALIKATAN a.k.a. Bahay Financial Services (BFS), para umano sa SPECIAL PURPOSE VEHICLE PROGRAM ng Gov't upang ang BFS ang siyang magsasagawa ng SUBASTA laban sa mahigit 52,000 homeowners sa buong Phl who availed themselves of low-cost housing loans! Hay, PERWISYO!!!"

LISA: "Uh-ungaa 'ga. Isa itong DISPOSSESSION (to legally exclude from realty) strategy sa pagitan noon nina NHMFC Pres. Jopet Sison at BALIKATAN Pres. Federico Cadiz Jr. with the BLESSINGS, siempre, ni Ate Glo, kasama sina ex-VP and HUDCC bigboss Noli de Castro at NEDA ex-Dir/Gen Augusto Santos, ayon sa report. Pero, 'lamobang hanggang ngayon eh walang inilalabas na RESOLUTION ang House hinggil sa imbestigasyong ito na pinangunahan pa man din mismo noon ni Speaker Prospero Nograles? Eh, MAGKANO ANG DAHILAN???"

CION: "Ahh, alam-na-alam ko ang sagot d'yan. Nabasa ko sa kolum ni Ma'm Yoly Villanueva-Ong sa kanyang PhilStar October 2, 2012 issue, more than P13 Billion ang suma-total na halaga ng mga binawing properties ng NHMFC at ibinenta sa Balikatan/BFS, doble sa P6.6B na nadugas ni Delfin Lee. Sa aking sariling analisasyon, medyo iniba ng konte ni Delfin Lee ang KULAY ng modus-operandi ng pandurugas ni Federico Cadiz Jr, pero, just the same, SYNDICATED ESTAFA pa rin ang kasong ito na walang piyansa, 'di ba? Makakasama kaya sa kasong ito ni Cadiz at Sison sina Ate Glo, Kabayang Noli at Augusto Santos? Itanong natin sa NBI!!!"    

No comments:

Post a Comment