Thursday, April 24, 2014

SEN BRENDA DESCRIBES PING AS TANDA'S ATTACK DOG

ANA: "Hay naku, nakakahilo talaga ang resulta ng PAGSAWSAW ni exSen Ping na tinaguriang SALAAN (sieve) ni Sen Brenda. Kase, maliban daw sa TRINITY OF UNHOLY CONSPIRATORS na unang nasala na sangkot sa PDAF scam ng Ombudsman, eh meron pa raw 12 senaTONG, sabi ni exSen Ping, (bukod kina Tanda, Junggoy at Bobong Revilla) ang nakinabang sa SABSABAN ng PDAF ni Janet?"

LISA: "Siempre pa, naglalabasan ang mga pangil, nanlilisik ang mga mata at naglalakihan ang mga litid sa leeg ng ilang onorabol sa PAGTANGGI na nakiSABSAB sila sa sabsaban ni Janet, porke, sinisira lang umano ni Ping ang REPUTASYON ng buong Senado? Pero kung tutuusin, TILA me kredibilidad nga ang mga pahayag (o pautot?) ni exSen Ping, o, 'di ba?"

CION: "Kredibilidad? Ewan! Sabihin na nating alam ng buong bansa na tumangging gamitin ni exSen Ping ang kanyang PDAF mula pa no'ng unang  manungkulan siyang senador, PERO, hindi rin maitatanggi na si Ping, ayon ke Brenda, eh (Enrile's attack dog in a massive psywar operation mounted by the former SP and his former CoS, Gigi Reyes)! So, tama lang ba ang sabi ni Ping - HALO-HALO NA SILA??"

No comments:

Post a Comment