Tuesday, April 22, 2014

JANET LIM-NAPOLES SPILLED THE BEANS ON ONORABOLS TANDA, JUNGGOY & BOBONG REVILLA

ANA: "Kaya naman pala INANTALA ng matagal ang sariling operasyon ni Janet sa OsMak, kase, malaki ang agam-agam nito na BAKA 'di na siya magigising kapag tinurukan siya ng pampatulog ng mga duktor na oopera sa kanya?"

LISA: "Iyan, 'yan nga ang dahilan kung bakit nagpumilit na makausap muna ni Janet si SoJ LdL bago siya pumayag na isalang ito (Janet) sa operating table. Halimbawa raw kase, KUNG 'di na nga siya magigising matapos siyang turukan ng pampatulog, AT LEAST, naiKUMPISAL na ni Janet ang lahat-lahat and nothing but the truth!!! O, 'di ba?"

CION: "Bakit naman kaya biglang lumikot ang pag-iisip ni Janet na posibleng matigok siya sa loob mismo ng OsMak upang sa gano'n eh HINDI na mauungkat forever ang hawak nitong LIHIM??? Wala akong maapuhap na tamang kasagutan sa tanong na 'yan, maliban sa ang OsMak, eh pag-aari ng Makati City Gov't. 'Di ba si Veep Nognog eh kaKOSA nina Tanda at Erap at tinagurian silang THE 3 KINGS???"

No comments:

Post a Comment