Thursday, April 17, 2014

KIM ON PACMAN BASHING: I DID NOT START THIS

ANA: "Eh sino ba kase ang nag-umpisa, base sa report ng PDI, ng BASHING (malicious attack) vs Pacman, ha? Si BIR boss Kim ba ang umatake o pautot (ignite) lang ito ng media?"

LISA: "Ang isang magaling na Reporter eh nag-iisip ng kakaibang anggulo sa kanyang istorya para sadyang GUMULO at pag-usapan ang kanyang report. Siempre, maraming SASAKAY na politiko sa istorya, 'gaya ni Sen Peter Alan, na umano'y nagbabalak kumandidatong panggulo sa 2016? Hay, ipag-adya mo po kami, juice koh.."

CION: "Ay, totoo 'yan 'day. Mabuti naman at nabuksan ang isyung 'yan ni Madam Kim, na 'yung mga nanalong pumusta para ke Pacman, eh kailangang MAGBAYAD din ng TAX sa BIR! Pero tinitiyak ko na HINDI MAGBABAYAD ng tax sa kanyang panalo si Chavit, kahit na itanong mo pa ke Atong o ke Erap. Sige, try mo."

No comments:

Post a Comment