ANA: "Uy, sikat 'yung developer/supplier ng e-jeepney, kase, ipinagyabang niya mismo ke US Prez Barack Obama 'yung inimbento niyang electric passenger jeep na balak ipalit sa jurassic na gas-guzzling jeepneys, 'di ba? Eh, pa'no na kaya ang negosyo ng gasolinahan, magMUMURA na kaya???"
LISA: "Me tama ka r'yan 'ga! Tao, as in T-A-O ang mumurahin ng mga me-ari ng gasolinahan, partikular si Sigfrido Tinga, ang developer ng Comet. Biruin mong hindi na magkakarga ng diesel na pollutant ang mga bagong Comet e-jeepney, kase, battery operated na'to at walang ibinubugang lason sa hangin ang tambutso!"
CION: "Sige, pakiramdaman natin kung kanino papanig at anong aksiyon ang gagawing ng mga makakaliwa sa isyung ito ng DE-GASOLINA vs BATTERY OPERATED na jeepney. Isa lang ang t'yak-na-t'yak dito, peksman, kahit saan pumanig para gumawa ng PERWISYO ang mga leftists na'to, me katumbas na PAYOLA! Understand???"
No comments:
Post a Comment