Tuesday, April 8, 2014

EDWIN LACIERDA DOESN'T WANT AL VITANGCOL TO GO ON LEAVE?

ANA: "Hindi ba under ng DOTC ang MRT at matagal nang tapos ang isinagawang imbestigasyon ng DOTC re extortion try DAW vs MRT? Sabi nga ni Mareng Winnie sa kanyang kolum eh wala namang $30M EXTORTION na nangyari na umano'y pinasusuka raw, ayon naman ke CDQ sa kanyang kolum, mula sa supplier na Inekon ni Vitangcol?"

LISA: "Para kasing gustong palutangin ni CDQ na merong grabeng KRIMEN ($30M extortion) na nangyari sa pagitan ni Vitangcol at ng kompanyang Inekon, 'tsaka SINUNGALING din umano si Mareng Winnie? Kase, salungat siya sa kolum ni CDQ na dapat na isailalim sa criminal investigation si (extortionist) Vitangcol, pero sabi sa naunang kolum ni Mareng Winnie, eh wala raw kasalanan si Vitangcol!"

CION: "Batay sa mga argumento n'yong dalawa, opisyal na ngang nag-umpisa ang BANGAYANG-POLITIKA para sa 2016 Presidential Elections. 'Yung mga parunggit ni CDQ vs Mar Roxas gamit ang isyu ng $30M extortion try, eh maliwanag na PINIPILIPIT (ini-SS ang istorya) para isangkot ang Liberal Party ni CDQ sa utos ng UNA? Hay, heto na't maglalabo-labo na. Ingat-ingat!!!"   

No comments:

Post a Comment