Noong Lunes ng umaga (July 15) ay lumabas kami at iniwan naming mag-asawa na walang tao ang aming bahay. Pag-uwi namin kinahapunan ay ipinagbigay-alam ng aming kapitbahay na merong kumakatok sa aming bahay habang kami'y wala, na nakasuot ng barong-tagalog, at hinahanap umano ang isang nagngangalang CARLOS MANGONA.
Sinabi ng aming kapitbahay sa kumakatok na nakasuot barong-tagalog, na walang ganoong pangalan ang nakatira sa aming bahay.
Kahapon ng umaga (July 24) ay muling may kumatok sa aming bahay na naka-motorsiklo at nakasuot ng jacket a la-delivery boy ng pizza pie habang kipkip ang fullface na helmet. Namukhaan ng aming kapitbahay ang nasabing Rider na siya rin ang nakabarong na kumakatok sa amin noong July 15.
Tinanong ko siya kung ano ang kailangan niya at sinabi niyang under contract daw ang kanilang opisina ng BFS para maghatid ng sulat sa mga kliyenteng tulad ng hinahanap niyang si Carlos Mangona.
Nilinaw ko sa Rider na si Carlos Mangona ay ang dating registered owner ng aking property at ibinigay ko sa Rider ang nakatalang address ni Mangona mula sa dating kopya ng TCT - #66 Juana Rodriguez, New Manila, QC. Idinagdag ko pa sa Rider na si Carlos Mangona ay isa lamang FICTITIOUS na tao.
ANA: "Ano na ba kasi ang balita sa land grabbing case na idinulog sa NBI ni Sir Leo vs Balikatan a.k.a. BFS? Noon pang December 2012 nai-file 'yon, bago pa mangyari ang Atimonan massacre at ang Ozamis gang massacre. Ano ba 'yan!!!"
LISA: "Bitin nga eh sa sobrang bagal. Kase, an'lalake ng mga pangalang involved kaya naman siguro ingat-na-ingat ang NBI na maglabas ng ura-uradang Resolution sa kasong Syndicated Estafa na walang piyansa. Huwag naman sanang abutan ng Contract-to-Salvage si Sir Leo, noh???"
CION: "Sa English, ang salitang Salvage means, the act of saving any goods or property in danger of damage or destruction. Ibig sabihin sa tagalog - TIGOK. Ang mga tao kasing involved sa kasong ito, batay sa more than 200 pages of documentary evidence na hawak ni Sir Leo (including House Committee records), eh sina: Gloria Arroyo, Noli de Castro, Augusto Santos, Joseph Peter Sison, Federico Y. Cadiz, Jr at kakutsaba ang RTC-Antipolo, Register of Deeds-Binangonan at ang Land Registration Authority."
No comments:
Post a Comment