ANA: "Ano ba'ng ibig sabihin ng honorarium, ha? Kasi, umamin si Sen Brenda, 'yun daw mga ipisyal ng senado no'ng nakalipas na Congress, 'gaya nina JPE, Jinggoy, Tito Sen at Alan Peter, lahat daw sila eh regular na tumatanggap ng honorarium. Masarap ba 'yon?"
LISA: "Sa mga nabanggit na ipisyal, masarap sa kanila. Pero sa mamamayan, NAKAKASUKA na ang walang sawa nilang pagkabundat sa kuwartang mula sa honorarium, o, getz mo?"
CION: "Honorarium means a fee paid for a nominally free service. No'ng unang panahon sa Roma, ang honorarium eh ibinibigay sa mga nailuklok sa posisyong kagalang-galang. Tulad sa 4 na binanggit ni Ana, sila'y pawang certified na KAGULANG-GULANG, peksman!!!"
No comments:
Post a Comment