Tuesday, July 30, 2013

NANGINGIBABAW

ANA: "Bukod sa unang 5 senatong at 23 tongressmen, si Ate Glo, si ex-Omb Merci Gutierrez , gayun din sina Sen Tolits at Tito Sen, lahat sila eh katulad ng hinihigop na kape ni Robin Padilla - nangingibabaw - 'di ba?"

LISA: "Hindi ko masyadong maintindihan ang salitang nangingibabaw. Ibig mo bang sabihin eh laging nasa ibabaw ni ex-FG si Ate Glo kapag natutrulog silang dalawa sa kuwarto?"

CION: "Heh! Corrupt 'yang isip mo. Ibig sabihin ng nangingibabaw eh KITANG-KITA at hindi na maitatago pa sa ilalim ang tindi ng corruption na nakapulapol sa mga personang binanggit ni Ana. Mismong si Omb Conchita na rin ang nag-anunsiyo sa social media ang nangingibabaw na corruption din ng mga taga-Ombudsman. O, kitam?"

No comments:

Post a Comment