Wednesday, July 17, 2013

FULL, FAIR PROBE OF PORK

Sa halip na magpaliwanag sa bintang sa kanilang umano'y pandurugas sa P10 bilyong pork barrel sa pamamagitan ng pagsisilid sa sarili nilang bulsa ng 60% bilang commission, ay umalingawngaw ang ngitngit ni Sen Cap Amazing na demolition job daw ito ng Malacanang laban sa kanya.

Si Sen Cap Amazing kasama ang 4 pang senador at 23 congressmen ay ipinag-utos umano ni PNoy na imbestigahan ng NBI, pati na ang mastermind(s) sa pangungurakot ng PDAF o tax payer's money, si Janit Lim-Napoles at kompanya nitong JLN.

ANA: "Sabagay merong pruweba ang aksiyong ito ni PNoy vs 28 Phl legislators at Napoles porke naipakulong na niya si Ate Glo at nasibak na rin si ex-CJ Rene Corona, o, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Kung tutuusin kasi eh kasing grabe rin ng pangungulimbat nina Ate Glo at Corona ang kutsabahan ng 28 Phl legislators at ng JLN. Talagang todo-todo, hay maryopes!!!"

CION: "Sa tingin ko eh cool lang si PNoy porke merong kasabihan sa Latin: (Si vis pacem, para bellum) - If you wish for peace, prepare for war."


No comments:

Post a Comment