Sunday, July 14, 2013

PORK BARREL

ANA: "Bakit bukod-tangi yatang ang Senate at House of Rep (Legislative Br) lamang merong tinatanggap na pork barrel, ha? 'Di ba dapat eh gumagawa lamang sila ng mga batas para pondohan ang mga proyektong pambayan ng Local Gov't (Executive Br)?"

LISA: "Ang sagot sa tanong mo eh alam-na-alam ng mga nanalong magkapatid, mag-asawa, mag-ina, mag-ama, magpinsan, magka-relasyon-sa-kama, etc, na mga senatongs at congreasemen. Siempre, BABAWIIN muna nila ang P200 M na ipinuhunan sa kanilang kandidatura para manalong senador o kongresista sa pamamagitan ng PORK BARREL. Kitam?"

CION: "Ganyan na kasi ang naging kalakalan mula ng humalili ang sumunod na pangulo kay Tita Cory noong 1992. Sa panahong ito ni PNoy, eh walang senador o kongresista ang mananalo sa eleksiyon nang hindi gagastos ng at least P200 M. Ang tanong eh, papaano nila babawiin ang halagang nagastos para manalo sa eleksiyon? So, maliwanag, kailangang ibigay muna ang PDAF para sipaging magTARBAHO ang mga senatong at tongresmen, o, 'di ba?" 






No comments:

Post a Comment